Chapter 22 - You're Mine

44 2 0
                                    

Wendy's POV

(The next day)

Hindi ko alam kung dapat ba 'kong pumasok ngayon o ano. Malaking kahihiyan ang dinanas ko sa school kahapon. Paniguradong maingay parin ang pangalan ko.

Pansin ko lang, nung makilala ko ang grupo nila Kingsleigh, gumulo ang nananahimik kong buhay. Si Kelsey lang naman talaga ang gusto kong makasalamuha sakanila. Hindi silang lahat.

Speaking of Kelsey, hindi parin nya ko kinocontact or kinakausap man lang. Wala man lang siyang sinabi tungkol don sa naging issue sakin. Alam kong nakarating na sakanya yon. Pero wala eh, ni isang text o tawag wala man lang.

Hindi ko maintindihan kung ano ba yung kinagagalit nya or kung galit ba talaga sya? Ayaw niya kasing ipaliwanag sakin eh. Hindi ko tuloy alam kung anong nagawa kong mali.

Fresh na fresh parin sa utak ko ang mga nangyayari. Yung kay Kelsey, yung issue samin ni Alexander at King, at yung nakilala ko na si Davris.

Eto na ba yung sinasabi sakin ni Caelin?

"Eto na yung sinasabi ko sayo, Wendy. Noon palang, hindi ka na dapat sumama kay Kelsey sa parking lot."

Yan kaya yon?

Kung yan nga yung ibig niyang sabihin, hindi ko naman alam na ganito mangyayari sakin.

Kung sana alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi sana nagmatigas nalang ako at hindi sumama kay Kelsey.

Kaso, hindi ko alam eh. Hindi ko naman talaga alam. Wala akong alam sa mga nangyayari. Bakit kailangan pang maging ganito? Isang simpleng buhay lang naman ang ginusto ko at magkaroon ng mga kaibigan. Pero it turned out na nagkaroon ako ng magulong buhay at maraming mga taong ayaw sakin.

In just a wink of an eye, bumaliktad ang buhay ko. Kung dati isang weird kid lang ako na iniiyakan ang batang lalaki na iniwan nalang ako bigla, ngayon naman isa na kong babae na kinaiinisan ng marami dahil kinakausap ako ng mga lalaking gusto nila.

Hay nako Wendellaine Jadeson...

What have you done?

"Wendy!" Narinig ko na ang sigaw ni Mommy. Ayan na, nag-uumpisa na siyang sumigaw. Siguro dahil ay malelate na 'ko.

Nakakain naman na 'ko kanina pa. Gayak na din ako. Hindi palang talaga ako ready pumasok kaya umakyat na muna ako sa kwarto ko.

Napabuntong hininga nalang ako at tsaka tiningnan ang sarili ko sa salamin.

"Ano nanaman kayang mangyayari ngayon?" Tanong ko sa sarili ko.

Si King at Alexander, papasok na kaya sila ngayon? Dapat pumasok si Alexander ngayon dahil kailangan niyang sabihin na hindi totoo ang nakapaskil sa bulletin board na 'yon. Dapat din pumasok si King para sabihin na hindi talaga kami.

Napakagulo na ng nangyayari sa buhay ko. Konti nalang siguro ay mababaliw na 'ko.

"Wendellaine! Male-late ka na!" At dahil don, bumaba na 'ko. Nasalubong ko agad ang nakapameywang kong Nanay sakin.

"Wala ka pa bang balak pumasok? Male-late ka na." Ngumiti ako ng nakakaloko sakanya.

"Kayo ba mommy, saan kayo nagpunta kahapon ni Daddy? Nadatnan ko kayong wala dito kahapon ah." Ngumisi naman bigla si Daddy ng marinig nya 'yon. Lumapit sya samin tsaka inakbayan si Mommy.

"Hmm, nagpakasaya lang kami ng Mommy mo." Mas lalong lumawak ang ngisi ni Daddy.

"Ano ba Jack, magtigil ka nga." Halatang naiilang na sabi ni Mommy. Ang cute ng mga magulang ko.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now