Chapter 27 - Tagaytay Trip (Day 1 pt. 2)

63 4 0
                                    

Davris' POV

Kaya pala. Kaya pala ganon nalang ang dating nya sakin. Kilala ko pala sya. Kilalang-kilala.

Pero hindi ako makapaniwala na buhay pa sya. Buong akala ko patay na sya. Yun kasi ang sinabi samin ng Daddy nya. Na namatay sya sa car accident matapos niyang mawala. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magsinungaling samin ng Daddy nya.

Oo nung mga bata kami gustong-gusto ko na siyang mawala. Gustong-gusto ko na siyang mamatay. Oo, naiinggit ako. Kasi siya ang gusto ng kapatid ko at hindi ako. Halos magkapareho na nga sila ng itsura at ugali. Nababalewala na 'ko. Lahat ng mga kaibigan namin, siya ang gusto. Siya ang kaibigan. Ako? Napansin nalang ako nung nawala sya.

Napansin nalang ako sa pag-aakala na patay na sya.

Noong mga bata palang kami ni Tatiana, dalawang kaibigan ang nawala sakanya. Yung isa kinuha sa France para pag-aralin dahil wala na siyang magulang na mag-aalaga pa sakanya, yung isa naman ay nasabing patay na dahil sa car accident.

Pero buhay pa pala sya.

Oo, patay na si Tatiana pero hindi ibig sabihin non na hindi na ako galit sakanya. Galit na galit parin ako hanggang ngayon sakanya dahil pinuno nya ko ng inggit, galit, at selos nung mga bata pa kami.

Gagawin kong miserable ang buhay mo. Papatayin kita.

"Dav?" Kumatok sa pintuan ko si Blue.

"Ano?"

"Nasa Tagaytay sila Kingsleigh. Pinagpipiyestahan ngayon sa internet ang mga pictures nilang magkakasama." Lumapit sya sakin at pinakita ang mga larawan. "Kasama si Wendy."

Wendy's POV

"Wends? Saan ka galing?" Tanong sakin ni Kelsey. Dinatnan ko silang mga nakaupo sa loob ng kubo na mukhang busog na busog.

"Ah, wala. Nagpahangin lang." Nakita ko si King na tahimik nanaman at walang kaemo-emosyon sa mukha.

"Tara na sa room natin?" Yaya sakin ni Kelsey. Kinuha ko ang maleta ko at tumango sakanya.

Naglakad kaming dalawa papunta sa kwarto namin. Sa second floor pa pala kami.

Nang makarating na kami sa loob ng kwarto namin agad na tumalon sa kama si Kelsey at nahiga.

"This place is so beautiful." Sabi nya habang nakatitig sa kisame. Ako naman inaayos ko ang mga gamit ko.

"Yeah, I know." Dumapa sya at tumingin sakin.

"Alam mo bang pinagtanggol ka ni Kuya Alex sa mga haters mo?" Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Ano daw? Pinagtanggol?

"Kasi diba may usap-usapan na kayo na nga ni Kingsleigh tapos lumabas pa yung picture na 'yon. You're not really kissing, right?" Mabilis akong umiling.

"So ayun nga, diba that day, umabsent sya?" Tumango ako.

"Hinanap nya yung nagpost ng picture na 'yon sa bulletin board. Pero walang nakapagsabi kung sino 'yon. Meron lang nagsabi na nakitang may binubugbog si Kingsleigh na photographer. Naisip niyang baka yun na 'yon." Binugbog ni Kingsleigh yung photographer? "Tapos, bumalik sya sa university. Hinanap ka nya. Kaso wala ka na." Yun yung sumama ako kay Blaze. "Galit na galit si Kuya Alex 'non. Lahat binabalibag nya. Nakuha nya yung attention ng maraming tao. Sumigaw sya na hindi totoo ang nakapaskil. Na frame-up lang kayong dalawa. Kinakausap mo lang daw sya tapos may something daw kuno sa bibig mo tapos tiningnan lang nya."

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now