WOAE 17

35 2 0
                                    

WOAE 17

Wendy's POV

The next day felt normal. Pagkababa ko ay nakita ko lang silang lahat na kumakain na ng breakfast.

"Good morning, Laine! Kain ka na ng breakfast." Masayang sabi ni Kelsey habang nagluluto ng bacon. Nginitian ko siya at naupo na sa tabi ni Dixon.

"Good morning." Bati niya habang kumakagat sa pandesal. Nilingon ko si Dylan at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa phone niya.

"Problema non?" Tanong ko kay Dixon.

"May dalaw ata." Sabi niya. Natawa nalang ako sa sinabi niya. Ang aga-aga naman kasing nakakunot ang noo netong si Dylan. Para bang pasan-pasan lagi 'yung buong mundo.

"By the way, sila Caelin ay nagjogging." Sabi ni Kelsey at nilagay na sa harapan namin ni Dixon 'yung plato na may lamang bacons.

"Kasama si Alex?" Tanong ko. Tumango siya.

"Yup. They'll be back in any minute now." Tumingin pa siya sa orasan.

"Dylan, kumain ka na! Mamaya ka na kumunot diyan." Sabi ni Dixon sa kapatid niya. Umirap lang si Dylan sakanya. "Aba? Inirapan pa ko e siya na nga inaaya?"

"Hayaan mo na nga 'yon. He's just so problematic talaga dahil kay Devon. Is he really into her?" Tanong ni Kelsey habang may bacon pa sa bibig niya.

"Ewan ko ba diyan. Di naman nagkkwento." Inis na sabi ni Dixon.

Kumain nalang kami at maya-maya ay dumating na din sila Caelin na basang-basa ng pawis.

"Wooh, may abs na ulit ako!" Sabi ni Vaughn bago mahiga sa sofa. Binato siya ni Caelin ng unan.

"Abs ka diyan e pahinto-hinto ka nga sa pagtakbo."

"Ganon kasi kapag gwapo." Sabi ni Vaughn at umayos na ng upo. Tumingin siya sa gawi namin.

"Bacon ba 'yan?" Tanong niya. Tumango si Kelsey sakanya na agad namang nakapagpatayo kay Vaughn mula sa pagkakaupo.

"Kita mo, kita mo. Paano ka magkakaabs niyan?" Napapailing na tanong ni Caelin.

"Kapag gwapo ka, di mo na kailangan ng abs." Sabi ni Vaughn at tumusok na ng bacon. Agad ko namang napansin si Alexander sa tabi ko. Tiningnan ko siya at inakbayan naman niya ko.

"Maligo ka na nga." Sabi ko sakanya.

"Should I?"

"Aba'y oo naman! Pawis na pawis ka oh!" Turo ko sakanya.

"Do I smell?" Actually... hindi. Ang bango parin kaya niya kahit pawisan siya. Hindi ko nga alam kung bakit ganon, e. Imbis na mabaho siya ngayon, ang bango-bango parin niya.

"Oo! Kaya maligo ka na!"

"You don't want me here?" Bakit ang landi ni Alex ngayon?

"Alex, ha."

"What?" Seryosong tanong niya.

"Kumain ka na nga lang." Sabi ko at sinumpak sakanya 'yung pandesal.

"I'll be leaving tomorrow." Nawala 'yung ngiti sa labi ko ng sabihin niya 'yon.

"Saan ka pupunta?"

"I'm going back to France." Bigla akong nag-iwas ng tingin at tumusok nalang ng panibagong bacon. Tinanggal niya 'yung akbay niya sakin.

"Hey.." Sabi niya. Tiningnan ko nalang sila Vaughn don na nagkakaladyaan habang kumakain. Si Kelsey naman inis na inis na kasi ang kalat na nung mesa. Si Flint tahimik na kumakain lang habang si Dylan ay tapos naman na.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now