WOAE 22

13 0 0
                                    




Blaze's POV

"Blaze," Nilingon ko si Apple. "May sulat para sayo." Kumunot ang noo ko tsaka 'yon inabot.

"Wag ka na magtago."  Muntik ko ng mabitiwan ang sulat nang mabasa ko kung ano ang nakalagay.

"Blaze, may problema ba?"

Nagtatago ba ako?

Hindi naman ako nagtatago—

"Kim." Tawag ko sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit ka pupuntang Pilipinas kasama si Kingsleigh?" Nakita kong napalunok siya sa tanong ko.

"We just want to have a vacation together." Naningkit ang mga mata ko. Alam kong may tinatago 'to.

"Gaano na kayo katagal?"

"W-What?"

"Gaano na kayo katagal magkarelasyon ni Kingsleigh?"

"Uhm.." Bago pa siya makasagot ay may biglang umakbay na sakanya.

"We've been together for a year already." Tiningnan ko ng masama ang lalaking katabi ng kapatid ko. Kingsleigh.

"Seryoso? Bakit di ka naman ata nasasabi ni Kim—"

"Showbiz problems." Pagputol ni Kingsleigh sa sasabihin ko. Tiningnan ko si Kim.

"Totoo ba ang sinasabi niya, Kim?" Dahan-dahan siyang tumango.

Umalis na silang dalawa sa harapan ko habang ako naiwang nag-iisip parin.

May tinatago si Kim.

Pero ano naman kaya 'yon?

Nagpunta na akong parking lot at naabutan ko si Kim na sasakay na sa sasakyan niya. Wala ng Kingsleigh na nakaaligid sakanya kaya tumakbo ako papunta sakanya. Mukhang nagulat siya sa pagdating ko.

"B-Blaze." Sinarado niya 'yung pintuan ng sasakyan niya na dapat papasukan na niya. "What do you need?"

"Answers." Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko.

"What do you mean?" Wag ka na magmaang-maangan, Kim. Alam kong may tinatago ka.

"Ano ba talagang meron sainyo ni Kingsleigh Anderson?" Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya. "May something ba talaga sainyo o may plano lang kayo?" Hinawakan ko ang magkabilang braso niya.

"Kung may plano si Kingsleigh, bakit ka niya—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa naisip ko.

"Wendy." Kumunot ang noo ni Kim sa nabanggit kong pangalan.

"Kim." Seryosong sabi ko sakanya. "Magsabi ka ng totoo. Hindi kita ilalaglag."

"A-Ano pa ba ang gusto mong malaman? I'm telling you the truth."

"Hindi ako naniniwala."

"Then don't believe me!" Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa braso niya pero hinawakan ko ulit 'yon ng mahigpit.

"Kung pinagbabantaan ka ni Kingsleigh, wag kang magpadala sakanya. Wag kang magpagamit, Kim."

"What are you talking about? He's not using me!" Pilit siyang pumapalag sa pagkakahawak ko sakanya pero hinarap ko siya sakin.

"Makinig ka, Kim. Hindi mo kilala si Kingsleigh."

"I know him. So can you please let go of me?" Inis niyang sabi. Umiling ako.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now