WOAE 8

24 0 0
                                    




{ Play — Safe and sound by Taylor Swift }

3rd person's POV

"Laine.." Umiiyak na sabi ni Alexander. Nasa gitna parin sila ng daan at sobrang lakas pa ng ulan. Nakatingin lang si Laine sakanya. Hinawakan nito ang pisngi niya gamit ang kamay niyang may dugo na rin.

"W-Why.." Nanginginig na ang boses ni Alexander. "Why did you do that?!" Sigaw niya. Huminga ng malalim si Laine at pinikit ng mariin ang mga mata niya.

"Why, Laine? Why?"

"M-M-Masaya ako na ako 'yung nasagasaan at hindi ikaw..." Mahinang sabi ni Laine.

"Don't say that." Tulo ng tulo ang luha ni Alexander. Hindi na siya makatayo. Hindi niya mabuhat si Laine para isakay sa kotse dahil sobrang nanghihina na siya. Sobra siyang nanghihina dahil sa nakikita niya.

"Kasi kung ikaw 'yung nasagasaan hindi ko na alam gagawin ko.. Baka mabaliw ako.." Nagawa pa niyang tumawa ng mahina.

"Please don't say that.." Pagmamakaawa ni Alexander. Umiling si Laine.

"H-Hindi... hindi ko na... tatanungin kung bakit hindi mo ko... sinundo.. dahil alam kong.. alam kong may rason..." Nanghihinang sabi ni Laine.

"Don't talk too much.." Sinubukang iangat ni Alexander si Laine at nagulat siya ng may makita pa siyang iba sa likod ni Laine.





Bala ng baril






"Why do you have a gun shot?!" Natatarantang tanong ni Alex. Umiling si Laine.

"B-Bago ka pa... dumating... may..."

"Don't talk too much, please!!!" Nakita ni Alexander na madaming dugo na ang nawawala kay Laine. Sinubukan niyang buhatin si Laine at nilagay niya ito sa kotse. Basang-basa siya ng ulan kaya kinuha niya 'yung jacket niya at pinatong ito kay Laine.

Agad niyang pinaandar ang kotse pero sa kasamaang palad ay wala na itong gasolina.

"Fuck!" Sigaw ni Alexander. Tiningnan niya ang phone niya at patay na ito. Sinabunutan niya ang sarili niya at hindi na niya napigilang umiyak ng umiyak. Hindi na niya talaga alam ang gagawin. Ang lakas ng ulan, may tama ng baril si Laine, nasagasaan pa siya dahil niligtas niya si Alex, tapos eto. Wala ng gasolina ang kotse niya at patay pa ang phone niya.

Tiningnan niya si Laine na maputla na at nakatingin lang sakanya.

Hindi na nag-alangan pa si Alexander at dali-daling lumabas ng kotse. Binuksan niya ang pintuan ni Laine at binuhat ito na parang bagong kasal.

"A-Anong ginagawa mo..." Nanghihinang tanong ni Laine.

"How far is the hospital here?" Tanong ni Alexander.

"Alex..." Umiiyak na sabi ni Laine.

"How far is the hospital here?!" Sigaw na ni Alexander. Nababasag na ang boses niya.

Sinabi sakanya ni Laine kung gaano kahaba at wala siyang ibang nagawa kundi tumakbo habang buhat buhat si Laine.

"Alex... stop... no..."

"Laine, just hold on." Sabi ni Alexander habang tumatakbo. Malayo layo ang tatakbuhin niya dahil malayo ang ospital sakanila.

"I love you..." Bulong ni Laine. Tumulo ng tumulo ang luha ni Alexander. Hindi siya tumitigil sa pagtakbo at hindi siya kailanman bumagal. Pabilis ng pabilis ang pagtakbo niya. 

"Don't you say that, Laine." Hinihingal na sabi ni Alex.

"I love you so much..." Nabasag ang boses ni Laine at unti-unting pumipikit ang mata niya.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now