Chapter 56 - I Don't Love You

39 2 0
                                    

Wendy's POV

Sobrang gulo. Sobrang gulo ng lahat. Hindi ko maintindihan.

Ako si Delai, nakakalimot ako. Si Peter lang ang tanging natatandaan ko sa past ko. Bakit tinago 'yon saakin nila Mommy at Daddy? Bakit hindi nila sinabi saakin 'yung totoo? Bakit kailangan nilang pagmukhain akong tanga?

Si Tatiana na ex-girlfriend nila Alexander at Kinsleigh, bestfriend ko pala siya. Close pala kami pero bakit hindi ko siya maalala? Madalas lang siya sa mga flashbacks sa utak ko pero hindi ko alam na siya pala 'yon.. Gaano kaya kami kaclose dati? Nung mga bata kaya kami, gusto na agad siya ni Alexander?

Si Davris.. malaki daw ang atraso ko sakanya. Kaya pala galit na galit siya. Paanong pananakit ba ng damdamin niya ginawa ko? Hindi ko maimagine ang sarili kong inaagaw ang attention ng lahat. Sa pagkakaalam ko, ayaw na ayaw ko sa attention. Ayaw kong nakikilala ako ng mga tao. Pero nung mga bata pala kami, napakadami kong kaibigan at sa mga kaibigan kong 'yon, si Alexander lang ang natatandaan ko. Ang unfair naman para sakanila.. Ako tuloy 'yung nasasaktan para sakanila. Bakit kasi kailangan ko pang makakalimot, eh.

Nakatali ako ngayon sa upuan at dumudugo ang gilid ng labi ko. May pasa na rin ang gilid ng mata ko. Lahat ng 'yon natamo ko sa lahat ng pananakit nila Davris at Blaze sakin.

Si Blaze. Grabe, hindi ako makapaniwala sakanya. Tinuring ko siyang kaibigan pero 'yan ang isusukli niya sakin? Ano bang nagawa ko sakanya? Ang pagkakaalam ko kay Davris lang ako may atraso. So, bakit niya 'to ginagawa? Bakit niya ko sinasaktan? Nanggigigil ako sakanya. Sobra akong nagagalit sakanya. Gustong gusto ko na siyang hampasin ng skateboard ko.

"Blaze." Tawag ko sakanya. Nag-angat siya ng tingin sakin. Kanina ay nakayuko lang siya sa cellphone niya.

Kanina may binulong sya sakin bago niya ako halikan sa pisngi na kinagulat ko talaga. Akala ko nga iha-harass na niya ko pero hindi.

"I'm sorry, Wendy.." Yan lang ang tanging binulong niya sakin. Gusto ko na siyang hampasin that time pero sobra ang ginawang pagkakatali sakin. Halos hindi na ako makagalaw. Ramdam na ramdam ko na ang sakit ng katawan ko. Sinipa at pinagsasampal ako ng sobra ni Davris. Nalasahan ko na ang sarili kong dugo dahil sakanya. Sipa dito, sipa doon. Sinuntok pa niya ako gamit ang kamao niya. Pakiramdam ko nun ay natanggal na ang ngipin ko.

Ang sakit sakit talaga ng katawan ko. Pakiramdam ko ay magcocollapse nalang ako bigla.

"Ano?" Malamig na tanong ni Blaze ng hindi tumitingin sakin.

"Bakit mo 'to ginagawa? Akala ko ba magkaibigan tayo?" Nanginginig na ang boses ko sa galit.

"Hindi tayo magkaibigan." Matigas na sabi niya.

"Kaya mo lang ba ako kinaibigan dahil 'yun ang utos ni Davris sayo?" Hindi siya sumagot. "Eto bang ginagawa mo ngayon, Blaze, gusto mo? Etong pananakit mo?" Ibinalik niya ang tingin niya sa cellphone niya at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Alam kong hindi mo gusto ang ginagawa mo. Napipilitan ka lang dahil ang alam mo si Davris lang ang makakatulong sayo." Natigil siya sa pagpipindot sa phone niya.

"Mabuti kang tao, Blaze. Naramdaman at nakita ko 'yon. Kailangan mo lang siguro talaga si Davris kaya mo 'to ginagawa. Tama ako diba?"

"Hindi mo ako kilala." Mariin niyang sabi.

"Hindi nga kita kilala pero ramdam kong hindi ikaw 'tong nasa harapan ko ngayon. Hindi ikaw si Blaze. Hindi ikaw 'yung Blaze na nakilala ko. Sige, sabihin natin na inutusan ka nga ni Davris pero ni minsan ba hindi mo ko tinuring na kaibigan? Kahit saglit lang? Kahit isang minuto or segundo man lang?" Umiling siya.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now