Chapter 18 - I Told You

71 2 0
                                    

Wendy's POV

Natapos na ang klase namin kaya nag-ayos na 'ko ng mga gamit ko.

"Uuwi ka na agad?" Tumango ako sa tanong ni Blaze.

"Ang aga pa oh, uuwi ka na agad?"

"Kulit mo din eh noh? Oo nga diba?"

"Ang sungit mo naman." Sinabit ko na yung bag ko sa likod ko.

"Wag ka muna umuwi. Libot muna tayo, please?" Tiningnan ko sya at biglang kong naalala yung nangyari last week. Kasama nga pala sya nung Davris.

"Sige. Saan tayo?" Bigla naman siyang ngumiti.

"Tara sa ice cream parlor?"

"Sure! Tara na!" Hinatak ko sya.

"Aba, at parang galak na galak ka kumain ng ice cream ah?" Hindi ko pinansin yung sinabi nya at pinagpatuloy ang paghatak sakanya.

Mga ilang sandali lang ay nakarating na kami sa ice cream parlor. Halatang napagod sya sa ginawa 'kong paghatak sakanya.

Pumasok na kami sa loob at nakita ko si...

Dixon?

or Dylan?

Dixon.

Oo, si Dixon. Halata naman sa itsura ni Dylan na hindi sya nag-iice cream.

"Dixon?" Lumingon sya sa gawi namin.

"Wendy!" Tumayo sya at nilapitan kami ni Blaze.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Uhmm, kakain?" Tumango sya. "Sino sya?" Turo nya kay Blaze.

"Blaze Timothy Ferrer." Sagot naman ni Blaze.

"Ikaw yung kasama ni Davris diba?" Tumango naman si Blaze.

"Ah, sige. Teka, pwede ko bang mahiram saglit si Wendy?" Tiningnan ako ni Blaze.

"Sige. Dyan ka nalang muna, Blaze. Um-order ka na." Tumango naman si Blaze. Lumabas na kami ni Dixon sa ice cream parlor.

"May sasabihin ka ba, Dixon?" Binulsa nya yung dalawang kamay nya.

"May itatanong lang sana ako sayo."

"Sure. Ano ba yon?"

"Totoo bang kayo ni Kingsleigh?" Nagulat ako sa tanong nya.

"H-hindi ko din alam.."

"Hindi mo alam?"

"Ah eh, kasi sabi lang nya bigla na kami na. Tapos in-announce pa nya sa buong Ford University." Nakayuko kong sabi.

"Bakit kasama mo si Blaze?" Tanong niyang muli. Hindi nya pinansin yung sagot ko.

"Sinasamahan lang nya 'ko. Sya lang naman kasi ang gustong makipagkaibigan sakin dito." Tumango sya.

"Kilala mo na ba yang Blaze na yan?"

"Hindi pa masyado..."

"Mag-iingat ka sakanya, Wendy." Seryosong sabi nya sakin.

"Huh? Bakit? May masama bang gagawin sakin si Blaze?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Bago pa sya makasagot lumabas na ng ice cream parlor si Blaze.

"Wendy, naka-order na 'ko. Nandon na sa loob yung ice cream. Tara na?" Tiningnan ko si Dixon.

"Sige, pumasok ka na. Aalis na din ako. Ingat, Wendy." Naglakad na sya palayo. Pumasok nalang ako sa loob ng ice cream parlor.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now