Chapter 49 - Expect The Unexpected

44 4 0
                                    

Wendy's POV

Titig na titig sakin si Kingsleigh habang kinakain ko 'yung cereals na baon namin. Nasa harapan ko sya. Umaga na agad. Wala namang masyadong nangyari kagabi. Kumain lang kami ng dinner tapos hindi rin naman kami nag-imikan. War nga pala kami.

Hindi talaga maalis ang titig niya sakin habang iniinom niya ang kape niya. Di ko na tuloy maiwasang taasan siya ng kilay.

"Anong problema mo?" Di ko maipigilang itanong. Kumunot ang noo nya at tsaka niya binaba ang kapeng iniinom nya.  

"Why didn't you talk to me last night?" Natawa ko sa tanong nya.

"Seriously? Itatanong mo talaga 'yan? Kailangan bang kausapin kita?" Inis kong tanong.

"Aside from running away from me from that damn restaurant, you also let my brother flirt with you." Nag-init ang ulo ko sa sinabi nya.

"I didn't let him flirt with me! Tsaka ano ba? He's not flirting with me." Padabog kong binaba ang kutsara ko ng maubos ko na 'yung cereals ko.

"I know Trax, Wendy. He flirts with everybody." Hindi ako nakasagot. "But when I tell him to stop, that's when he already knows his limit." Napakunot ang noo ko.

"Limit?" Tanong ko.

"He needs to know his limits specially when it comes to staying away from you because you're already my property." Bumilis ang tibok ng puso ko but I acted like I don't care.

"I'm not anybody's property." Tumayo ako mula sa upuan at tsaka nilagay 'yung bowl sa lababo.

"You are now." Nilingon ko sya pero nakaalis na sya don. Pumasok na siya ng CR. Napailing nalang ako sa inasta nya.

Umupo ako sa couch matapos kong maghugas ng pinggan. Inayos ko ang gamit ko.

8:45am. Maaga pa naman. Bored na bored ako. Ano kayang pwedeng gawin?

"Kingsleigh, aalis ba tayo?" Tanong ko sakanya kahit naririnig ko parin 'yung tunog ng shower mula sa CR.

"You bored?" Tanong nya.

"Yeah. Gusto ko sanang lumabas. Labas tayo?" Hindi na nya ko sinagot at narinig kong tumigil na rin ang tunog ng shower. Tapos na siguro sya.

Pero nagulat ako nung biglaan niyang buksan ang pintuan ng CR. Tanging towel lang sa pang-ibaba ang saplot nya. Paakyat ng paakyat ang tingin ko sa katawan nya. Topless sya na ikinalaki naman talaga ng mata ko. Hanggang sa tumambad na sa mga mata ko ang nakatitig sakin na si Kingsleigh. Ngumisi sya. Basa pa ang buhok nya at tumutulo pa ito. Nag-iwas agad ako ng tingin.

"Magbihis ka nga." Utos ko sakanya habang nakaiwas padin ang tingin.

"You can't tell me what to do." Dinig kong sabi nya.

"Edi wag kang magbihis. Manigas ka dyan sa lamig." Tumayo ako mula sa couch para sana kumuha ng tubig dahil pakiramdam ko'y parang nag-init ang paligid. Pero hinawakan nya ko sa braso na ikinalingon ko sakanya. Malapit na ang katawan nya sakin. Nararamdaman ko ang abs niyang tumatama saakin. Napalunok ako.

"You can't tell me what to do specially when it's about going outside." Diretsong sabi nya sa mga mata ko. Hindi ako nakasagot. "I should be the one telling that to you." Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. Pero hindi ata sya magsasalita hangga't hindi ako sumasagot.

"Ang alin?"

"About.." Umayos sya ng tayo tsaka binitiwan ako. Tiningnan ko lang sya. "About us going on a date." Nagulat ako sa sinabi nya.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now