Chapter 16 - Instant Famous

87 3 2
                                    

Wendy's POV

"Eto na yung sinasabi ko sayo, Wendy. Noon palang, hindi ka na dapat sumama kay Kelsey sa parking lot."

"Eto na yung sinasabi ko sayo, Wendy. Noon palang, hindi ka na dapat sumama kay Kelsey sa parking lot."

"Eto na yung sinasabi ko sayo, Wendy. Noon palang, hindi ka na dapat sumama kay Kelsey sa parking lot."

Hindi maalis sa utak ko yung sinabi saakin ni Caelin kanina. Tinanong ko sya kung anong ibig niyang sabihin pero hindi naman nya 'ko sinagot.

Umalis na kami ni King dun sa haunted mansion na yon simula nung umalis sila Blaze.

Sino ba kasi yung Davris na yon at mukhang galit na galit sila sakanya?

"King." Tawag ko sakanya. Nandito kami ngayon sa sasakyan nya. Seryoso siyang nagmamaneho.

"Sino si Davris?" Hindi parin nya 'ko pinapansin.

"Bakit parang galit na galit kayo sakanya?"

"Ano ba King, sagutin mo naman ako oh." Inis kong sabi sakanya.

"You don't have to know anything." Seryoso niyang sabi.

"Dinala-dala mo 'ko don, tapos sasabihin mo I don't have to know anything?" Hindi makapaniwalang sabi ko sakanya.

"Gulong-gulo na kasi ako, King. Sobra. What's really happening?" Hininto nya yung sasakyan sa isang gilid at hinampas yung manibela.

"Fuck! Aren't you going to stop? Just because you're Kelsey's friend doesn't mean you can cope up with our personal lives!" Sumisigaw na sya.

"Kung yun naman pala, bakit mo pa 'ko dinala dito? Kung hindi mo sana ako dinala dito hindi ako magtatanong ng magtatanong sayo." Medyo nasaktan ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit. Pero nasaktan talaga ako sa sinabi nya. Kahit alam 'kong wala naman talaga 'kong karapatang magtanong sakanya. Pero kasi naman, sya rin naman ang dahilan kung bakit ako naguguluhan ngayon.

"Look, you don't have to know anything. Okay?" Bigla naman siyang huminahon.

"Buksan mo yung pinto." Biglang kumunot yung noo nya.

"What?"

"I said, buksan mo yung pinto." Galit kong sabi sakanya. Umiling sya at humarap na sa manibela. Magmamaneho na sana uli sya pero sumigaw ako.

"Buksan mo sabi yung pinto!"

"What the fuck, Wendy? What's wrong with you?!" Ayaw nya parin buksan. Kaya naman ako nalang ang nagbukas. Binuksan ko yung lock at lumabas. Lumabas din sya ng sasakyan nya at hinabol ako.

"Get back inside!" Sigaw nya. Hinawakan nya ko sa braso at iniharap sakanya. Our eyes met.

"What the fuck is your problem? I said, get inside!"

"Anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko, King! Ayaw mo kasi sakin ipaliwanag yung mga nangyayari kaya naguguluhan ako. Hindi mo man lang pinandigan yung pagdala mo sakin don. Tapos sasabihin mo sakin, na hindi dahil kaibigan ko si Kelsey eh manghihimasok na 'ko sa mga buhay nyo? Sa tingin mo ba may pake 'ko sainyo? Kay Kelsey lang ako may pake! Kaya lang naman ako nagtatanong kasi naguguluhan ako. Ang daming tanong sa utak ko na hindi nyo masagot-sagot! Nakakainis." Hinatak ko ang kamay ko sakanya at naglakad palayo.

"You can't walk on the road, dressing like that." Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Maya-maya lang naramdaman kong sumusunod sakin yung kotse nya. Huminto ako at nagcross-arms. Binuksan nya yung pinto. Umirap ako.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now