WOAE 24

26 0 2
                                    




Wendy's POV

"Alex, I think nandito na siya." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"What?"

"Nandito na siya Pilipinas. He sent Caelin a box with a dead snake." Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "It has the numbers 1879."

"What else did he give? Don't you have any other clues?" Umiling ako.

"Alex, bumalik ka na dito. Nandito na siya." Pumikit siya ng mariin.

"I can't."

"Bakit? Hindi pa ba tapos mission mo diyan? Ano pa bang kailangan nila sayo? Nandito na 'yung kriminal ano pang—"

"I'm sorry, Laine. But I still need to fix things here. Aside from your case, I also need to fix our company." Bigla akong nawala sa mood ng dahil sa sinabi niya.

"Hey.."

"Matutulog na muna ako. Bye." Sabi ko at agad-agad pinatay 'yung video call. Hindi ko man lang siya hinayaan magsalita.

Humiga ako sa kama ko tsaka tumingin sa ceiling.

Nakarinig naman ako ng katok sa pintuan ko.

"Come in." Nakangiting pumasok si Mommy na may dala-dalang cookies. Bumangon ako tsaka sinuklian 'yung ngiti niya. Naupo siya sa tabi ko at ibinaba 'yung cookies sa mini table ko.

"Is everything okay?" Tumango ako kahit na hindi naman talaga okay. Ayoko namang mag-alala sakin si Mommy. "Are you sure?"

"Yes, Mom. Wag ka ng mag-alala." Ngumiti ako sakanya. Hinimas niya ang ulo ko.

"Sana mahuli na 'yung lalaking 'yon. Hindi ako makakapante hangga't di siya nahuhuli." Me too, Mom. Hindi din ako makakampante at sa tingin ko hinding-hindi na ako makakampante. Hangga't di pa siya nahuhuli, delikado parin ang buhay ko. Nasa bingit parin ako ng kamatayan.

"Sana nga, Mom." Nakita kong nanggilid ang luha niya. Agad ko siyang inabutan ng tissue na nasa tabi ko. Tumawa siya ng mahina.

"Ilang taon ka naming inalagaan at prinotektahan, Wendellaine. Hindi namin kakayaning may mangyari pa ulit na masama sayo." Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya.

"Mommy.." Hindi ko kayang ipangako kay Mommy na walang masamang mangyayari saakin. Walang nakakaalam kung ano pang pwedeng mangyari. Hindi ko alam kung ano pang pwedeng gawin sakin nung lalaking 'yon.

"Promise me, Wendy." Kinagat ko ang lower lip ko. "Promise me na hinding-hindi ka mapapahamak. Promise me that you'll stay safe." Yumuko ako. "Wendy, please.."

"I... can't." At dahil don narinig ko na ang pag-iyak ni Mommy. Parang sinasaksak ang dibdib ko sa bawat iyak na naririnig ko mula sakanya. Para akong pinapatay sa tuwing naririnig ko ang bawat paghikbi niya. Ayokong nasasaktan si Mommy pero hindi ko talaga kayang mangako sakanya...

"Wendy... I beg you.." Tumingala ako. Tumulo na rin ang nagbabadya kong luha. "I can't afford to lose you anymore." Umiling-iling ako habang umiiyak.

"Please don't make me promise, Mom.. Please.."

"Why? Hindi mo ba kayang hindi mapahamak? Wendy, that's all I ever wanted. Just your safety."

"Hindi natin madadaya si kamatayan, Mom.. Kung oras ko na, oras ko na. Kung hindi, edi hindi." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at yumuko na.

"You're not going to die. I won't let you die. Mahuhuli natin 'yung lalaking 'yon. We won't let him do anything that will harm you anymore." Ngumiti ako sakanya.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now