WOAE 9

27 0 0
                                    




3rd person's POV

"Laine Jadeson was rushed to the hospital after getting hit by an unknown car. Her boyfriend, Alexander Ford, said that his girlfriend was also shot by a gun at the back right before she got hit by the car." Yun ang agad bumungad sa balita. Hindi na nagulat pa ang lalaking nanonood habang walang pakialam na nakaupo sa kaniyang sofa at nakataas pa ang parehong paa.

"To that person who did that to my girlfriend, see you." Sabi ni Alexander sa TV. Agad itong pinatay nung lalaki at ngumisi habang umiinom ng wine.





"Ang tatanga niyo."


Wendy's POV

Hindi ko na alam kung nasaan ako. Kanina pa ako nagtatatakbo. Basang-basa na ako. Nabitiwan ko ang phone ko kanina, hindi ko alam kung saan nalaglag.

Umalis ako sa tent dahil pakiramdam ko nandon parin 'yung lalaki. Pakiramdam ko hindi siya umalis. Pakiramdam ko sinusundan parin niya ko hanggang ngayon.

Sobrang dilim na at hindi ko na halos makita ang daan. Mga bituin at ang buwan nalang talaga ang nagpapaliwanag sa paligid.

Takot na takot na ko lalo na't lumalakas na ang ihip ng hangin. Uulan na.

Hindi ko na alam kung saan ako pumupunta. Basta ang alam ko lang, tumatakbo ako. Kanina pa ko lingon ng lingon sa likod ko at kanina ko padin nakikita 'yung sasakyan na itim.

Hingal na hingal na ko ng biglang bumuhos na ang malakas na ulan. Tinakpan ko ang ulo ko gamit ang dalawa kong kamay.

"Aish! Bad timing!" Sigaw ko. Palakas ng palakas ang ulan at sinusundan parin ako nung kotse.

Basang-basa na ko ng ulan kaya naman hindi ko na tinakpan ang ulo ko dahil wala rin. Basa na ko.

Alexander, nasaan ka na ba?

Naiiyak na ko ng sobra dahil pakiramdam ko katapusan ko na ngayon. Ayaw akong tigilan nung nakasakay sa kotse. Kahit anong gawin kong takbo, nasusundan at nasusundan parin nya ko.

Alam kong hindi niya ko sinusundan para tulungan. Kasi kung tutulungan niya ko, kanina pa niya sana ginawa. Pero hindi e. Sinusundan lang niya ako. Hindi niya talaga ko tinitigilan. Parang may balak siyang di maganda sakin.

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang pagpatak ng luha ko. Kasabay din ng malakas na kulog ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ng tibok, pakiramdam ko sasabog na 'yung puso ko.

Takot na takot ako. Nanginginig na ang katawan ko sa lamig at takot. Hindi ko na alam kung ano 'yung tinatahak kong daan. Naliligaw na ako, alam ko 'yon.

Huminto ako at nilingon 'yung sasakyan sa likod ko. Nakahinto din siya.

"Who are you?!" Sigaw ko habang inaaninag ko kung sino ang nasa loob pero masyadong malakas ang ulan kaya malabong makita ko pa.

Nagulat ako nung lumabas siya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil medyo malayo pa siya sakin. Nakasuot siya ng cap at jacket.

"Who are you?" Hindi ko pinahalatang natatakot ako sakanya. "Why are you following me?" Sigaw ko pa.

Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko pero ngumisi siya. Tumindig nanaman ang lahat ng balahibo ko.

"Leave me alone!" Sabi ko. Tatalikod na sana ako ng makita kong may nilabas siya mula sa likod niya.







baril




Bakit siya may baril?!

"A-Anong gagawin mo?!" Hindi sumagot 'yung lalaki at tinutok sakin 'yung baril. Nanlamig lalo ang buo kong katawan sa ginawa niya. Tumalikod ako at tatakbo na sana nang marinig ko ang pagputok ng baril.

Wink of an EyeOnde histórias criam vida. Descubra agora