WOAE 16

33 1 0
                                    




Dixon's POV

"Dixon, why won't you get us some nachos and drinks?" Tanong sakin ni Flint habang nakangiti. Nandito kami sa pool area at may kalandian nanaman siyang babae. Akala ko ba may girlfriend siya? Edi hindi nanaman siya seryoso don?

"Ginawa mo pa kong utusan." Bulong ko.

"Are you saying something?" Tanong ni Flint na ngayo'y nasa bewang na ng babae ang kamay. Teka... bewang nga ba 'yon or nasa ilalim na mismo nung boobs? At hinahayaan lang talaga 'yun nung babae? Grabe sila!

"Wala. Sabi ko kukuha na ko ng nachos at drinks niyo." Nginitian ko sila ng pilit at agad ng umalis don.

Nakakainis. Lahat ng mga tao dito may mga kalandian. Lahat sila nagdala ng mga jowa. Party ba talaga 'tong pinlano ni Alexander?

Speaking of Alexander, nasaan na ba 'yon? Ni hindi ko pa siya nakikita dito sa baba.

Nung makapasok na ako sa loob ng sala, nakita ko si Dylan na nakasandal sa pader at tutok na tutok sa phone niya. May mga naglalandian na nakapaligid sakanya samantalang siya mag-isa lang don at mukhang sobrang busy sa pagkalikot sa phone niya.

"Ano yan ha!" Agad kong inagaw kay Dylan 'yung phone niya at halatang nagulat siya. Hahahahaha, mukha talaga siyang gago. Ay teka, kakambal ko nga pala 'to! Pero hindi, kung kakambal ko 'to dapat kasing bait at gwapo ko kaso hindi, eh. Tapos di pa siya mahilig sa ice cream. Tsk tsk.

"Talk to me, Devon." Pagbasa ko ng malakas sa text niya. Nakita ko pang may mga text siya don na sinesend kay Devon pero ni isa wala akong nakitang reply mula kay Devonyita. Bigla namang inagaw sakin ni Dylan 'yung phone niya at sinuntok ako sa balikat.

"Mahal ang international texts ah! Dapat pinambili mo nalang 'yun ng icre cream, eh." Sabi ko sakanya.

"Stop invading my privacy." Inis niyang sabi sakin.

"Kung ako sayo, tigilan mo na 'yang babaeng 'yan at kumain ka nalang ng ice cream." Sabi ko sakanya habang tinatapik-tapik pa ang balikat niya.

"Tss. Get lost." Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa mga pagkain. Hay nako, mas masarap kaya kumain kaysa intindihin ang pagkamoody ng mga babae. Minsan hindi ko na talaga sila maintindihan e. Nung nasa France nga ako talak lang ng talak si Devon pakiramdam ko mabibingi na ako. Lagi nalang siyang beastmode. Lagi ba 'yung merong dalaw?

Kumuha na ako nung nachos na inuutos ni Flint at ng drinks daw nila ng kalandian niya. Imbes na ma-enjoy ko 'tong party, biglang naging utusan ako ng mga 'to. Kanina si Kelsey at Caelin nagpapicture sakin, si Vaughn at 'yung babaeng kasama niya naman inutusan akong kumuha ng condom. Bwiset talaga 'yon, e. Tapos ayan naman, Si Flint naman ngayon. Buhay third wheel nalang ba ako lagi?

Pero wala naman akong pakialam sa ginagawa nila. Basta ba bigyan lang nila ko ng ice cream matapos ng lahat ng 'to, pwede na. Lalong-lalo na kung bibilan nila ko ng mga CD ng episodes ng Powerpuff girls. Gustong-gusto ko kasi talaga nakikitang tumutumba si Mojojojo. Dukutin ko utak niyang nakalabas e!

Nung dadalin ko na sana 'yung inutos sakin ni Flint, biglang bumukas 'yung malaking pintuan. Napatingin ako don at muntikan ko ng maibagsak ang mga dala-dala ko nung makita ko kung sino.

Napatingin siya sa gawi ko at may nabuong maliit na ngiti sa labi niya. Ngiti ba 'yon o ngisi? Pero dahil kilala ko siya, hindi naman talaga siya 'yung tipo ng taong ngumingiti kaya baka nga ngisi lang 'yon.

Ibinaba ko ang dala-dala ko at agad-agad na tumakbo paakyat. Kailangang malaman 'to nila Laine.

Kagulat-gulat na pumunta siya dito. Nung araw na nakuha ni Davris si Laine ay ang araw na huli ko din siyang nakita. Matapos ng tatlong taon, nandito nanaman siya at may kasama pa siyang babae.

Wink of an EyeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum