WOAE 18

19 1 0
                                    




Someone's POV

"Alexander Ford will be going back to France today to solve Laine Jadeson's case. He and the police are still looking for the person behind this—"

Agad kong pinatay ang TV at naupo sa sofa. Wow naman, hinahanap nila ako? How thoughtful.

Hindi ko akalaing aabot sa punto na titigil saglit si Wendy sa showbiz para lang sa ikabubuti niya.






Well, nagkakamali ka Wendy. Kahit saan ka man magpunta, mahahanap at mahahanap parin kita.


Caelin's POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Kelsey. Kahahatid lang namin kay Alex sa airport at lahat kami dito'y sobrang tahimik. Lalo na si Laine. Para bang may malalim siyang iniisip.

"Ang tahimik niyo naman!" Biglang pagbasag ni Vaughn sa katahimikan. Nag-inat pa siya ng katawan at kumuha ng chichirya.

"Ano bang meron at ang tahimik niyo? Umalis lang naman si Alexander. Hindi naman siya forever don." Sabi niya pa habang ngumunguya na nung chichiryang kinuha niya. Itinaas pa niya 'yung dalawang paa niya sa sofa. Napairap naman 'yung girlfriend ko sa tabi ko.

"Napapairap ka diyan?" Bulong ko sakanya. Tumingin siya sakin tsaka tiningnan ng masama si Vaughn.

"Hoy! Wala ka sa house mo!" Masungit talaga 'to pagdating sa mga ganyan. Gusto niya laging maayos.

"Sungit mo naman, Kels." May nahulog pang chichirya galing sa bibig niya.

"Kita mo! Kita mo! Pulutin mo 'yan!" Natawa nalang ako kasi naiinis na talaga si Kelsey. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Chill ka lang." Inirapan niya lang din ako. Aray, ha.

"I'm going home." Sabi ni Flint na nakatayo na at hawak hawak parin 'yung libro niya. Kailan niya kaya bibitiwan 'yon?

"O, bakit uuwi ka na agad?" Tanong naman ni Dixon na sa wakas ay hindi na nakatutok sa TV. Mukha talaga siyang powerpuff girls kahit kailan. Minsan naiisip ko kung bakla ba 'tong si Dixon o ano, eh.

"I'm going to do something."

"Me, too. I need to go." Tumayo na rin si Dylan.

"Iiwan mo ko?" Tanong ni Dixon na nakatingin sa kakambal niya.

"Sanay ka namang iniiwanan diba?" Sabi naman ni Vaughn.

"Tinutulad mo pa ko sayo. Ikaw 'yon eh!" Sinamaan lang siya ng tingin ni Vaughn ng sabihin niya 'yon.

"Laine, okay ka lang ba?" Tanong ko naman kay Laine na kanina pa tahimik na nakaupo. Napatingin siya sakin.

"H-ha?" Parang wala sa sariling tanong niya. "Ako ba?" Turo pa niya sa sarili niya. Natawa ako ng mahina tsaka tumango.

"Oo, ikaw. Sino pa bang Laine dito?"

"Ano na nga ulit sabi mo?" Ay, wala 'to sa katinuan. Mukhang ang lalim nga talaga ng iniisip.

"Sabi ko, okay ka lang ba?"

"Yes. Why not?" Napailing nalang ako sa sinabi niya. Alam kong hindi siya okay. Sa totoo lang, alam naming lahat. Halata naman kasi sakanyang malungkot siya sa pagbalik ni Alexander sa France.

"Sure ka, ha." Ngumiti nalang siya ng pilit tsaka tumango.

"Alis muna ako." Tumayo siya mula sa pagkakaupo.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now