Chapter 41 - Missing

40 4 0
                                    

Kelsey's POV

"Caelin, ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko." Sabi ko kay Caelin na kasalukuyang katawagan ko ngayon.

[ Kelsey. Nahalata mo ba? ] Tanong nya bigla.

"Ang alin?"

[ Na siya si Delai... ] Ngumiti ako ng tipid.

Umpisa palang nahahalata ko na. Pero ayaw kong magpakampante kasi hindi nya naman ako nakilala. Nun pala ay wala lang pala siyang maalala.

All this time, siya lang pala 'yung iniiyakan ko. Iniiyakan ko ang isang taong walang kamalay-malay.

She lost her memory. And that memory is us. Si Kuya Alex lang talaga naaalala nya. Masakit isipin na si Kuya Alex naalala nya pero kaming mga kaibigan nya hindi. Pero wala eh, ganon kalupit ang buhay. Hindi natin masasabi kung ano ang kaya niyang gawin.

"Umpisa palang nararamdaman ko na, Caelin.." Bumuntong hininga ako.

[ Nakakagulat. Hindi ko akalaing siya si Delai. ]

"I know." Sagot ko nalang.

[ Wait. Nandyan ba si Alexander? ] Napakunot ang noo ko ng sabihin nya 'yon.

"Diba magkasama kayo?"

[ Kels, dapat talaga pupunta kami kay Tita Dianne kaso ayaw nya. Nag-away kami tapos sabi nya magsasarili nalang sya. Akala ko umuwi sya diyan sainyo.. ] Napatakip ako sa bibig ko.

"He's not here." Agad akong lumabas ng kwarto para silipin kung nandito na ba 'yung sasakyan ni Kuya Alex. Pero wala.

[ Shit. Saan naman kaya pumunta 'yon? ]

"He's probably looking for Wendy.. Oh my God, Caelin. Alam na ba 'to nila Davris?" Kinakabahang tanong ko.

[ I.. I don't know. ]

"Kapag nalaman na nila 'to, paniguradong gagawa nanaman ng move 'yon. At kung hindi si Wendy ang mapapahamak... si Kuya Alex." Hindi ko alam pero biglang may tumulong luha sa mata ko.

[ Hindi namin hahayaang mangyari 'yon. Kumalma ka lang dyan, Kels. Matulog ka na. Kami ang bahala. ]

"Anong plano nyo?"

[ Hahanapin namin si Wendy. Hahayaan na muna namin si Alexander. ]

"Paano sila Davris?"

[ Hindi namin hahayaang makagawa sya ng kung ano. Wag ka ng mag-alala, Kelsey. Walang mapapahamak. ] Tumango nalang ako kahit alam kong di nya 'yon makikita. Binaba ko na din ang tawag.

Kinakabahan ako.

Natatakot ako sa mga posibleng mangyari.

Dixon's POV

"Go powerpuff girls! Pabagsakin nyo 'yang si Mojojojo!" Sigaw ko sa TV habang kumakain ng Cookies and Cream na ice cream. Nakaupo ako sa lapag habang suot-suot ko ang pajamas ko.

"Ayan, ganyan! Sige!" Sigaw ko nung makita kong pinupuntirya na nila si Mojojojo.

"Go, Blossom! Ganda mo shet." Natigil lang ako sa panonood ng mamatay yung TV. Nilingon ko kung sino ang pumatay.

"Bakit mo pinatay?" Tanong ko sakanya.

"You're so loud." Naka-earphones lang sya.

"Ayun na eh, babagsak na si Mojojojo eh!" Umiling lang sya tsaka hinagis 'yung remote sa likod ng sofa. Nagtaas pa sya ng paa. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now