Chapter 52 - Fearless

36 2 0
                                    

Kelsey's POV

Mga ilang minuto nalang ay maglaland na ang private plane na sinasakyan namin. Excited na 'kong makita si Wendy at sabihin sakanya ang totoo. Pero at the same time ay kinakabahan ako dahil baka mahuli kami at baka maunahan kami ni Davris.

Tinawagan na din namin si Tita Dianne tungkol dito at sabi niya na susunod nalang sila ni Tito Jack. Maghahanda pa daw sila ng gamit. Baka next week pa sila makasunod.

Naalala ko tuloy nung pinagbawalan ko si Wendy na lumapit kay Kingsleigh. Sabi nya, kaya niya. Na madali lang 'yon. Pero nakakagulat lang kasi magkasama pala sila ngayon.

I know Wendy. He hates Kingsleigh so much. But I think, she already fell for him. I feel bad for Wendy. She's not supposed to fall inlove with Kingsleigh. He's an asshole. He cheated on his bestfriend with Tatiana, and he already broke a lot of hearts. He might do it again.

Pero mas naaawa ako sa kapatid ko. He's desperate to have Wendy back. Alam kong umaasa siyang makikinig pa si Wendy sa mga explanations nya pero sabi nga nila, walang magagawa ang kahit na anong explanation mo kung sinarado na nung pinagpapaliwanagan mo 'yung puso nya.

Naalala ko tuloy nung nanood kami ng movie sa bahay nya ng Peter Pan. She told me about Peter pero bakit hindi ko man lang nalaman na siya si Delai? I'm so dumb. Siguro kasi sinarado ko na talaga 'yung puso ko para sakanya. Kasi buong buhay ko akala ko patay na sya.

Ang sakit isipin na hindi lang pala siya ang may kasalanan samin. Kami din may kasalanan sakanya. Kasi siya? Kaya lang naman niya kami hindi maalala dahil naaksidente sya at hindi kami pinakilala sakanya ng mga magulang nya. Pero kami? Hindi naman kami naaksidente pero pinili naming kalimutan at sukuan nalang sya basta-basta. Parang mas unfair para sakanya.

Naramdaman ko ang kamay ni Caelin sa balikat ko. Nilingon ko sya.

"Nandito na tayo." Ngumiti sya. Nandito na pala kami. Inayos ko na ang sarili ko tsaka tumayo.

Inakbayan ako ni Caelin habang pababa ng eroplano.

"Pwede mamaya na 'yan? Baka kung saan mapunta 'yan ha?" Dinig kong sabi ni Dixon.

"Siraulo!" Sigaw sakanya ni Caelin. Natawa nalang ako.

Nang makababa na kaming lahat sa private plane ay nagharap-harap na ulit kami.

Tiningnan ko ang oras at madaling araw na pala. 3:19am na. Bale, dalawang oras kami bumiyahe.

"Saan na tayo pupulutin ngayon?" Tanong ni Dixon. Tiningnan ko si Dylan na tahimik na nakapamulsa sa tabi ni Devon. Si Devon naman patuloy ang pag-irap at mukhang iritado sa mga nangyayari.

"Dun nalang tayo magstay sa resort namin." Tiningnan naming lahat si Devon ng magsalita sya.

"Yung Lumierdé Beach and Resort?" Tanong ni Caelin. Tumango si Devon.

Sumakay na kaming lahat sa taxi. Papunta na kami sa resort nila Devon. Pero lahat kami'y iritado kay Devon kasi kanina pa sya nag-iinarte. Kesyo ayaw daw nya munang pumuntang resort. Maglibot daw muna kami.

"Seriously, Devon? Madaling araw maglilibot ka?" Hindi ko na napigilang itanong sakanya. Inirapan nya ko.

"Wala kayong magagawa. Gusto ko eh." Mas lalo akong nainis sa sinabi nya.

"Sa tingin mo may lilibutan ka pa ng ganitong oras?" Iritadong tanong ni Vaughn.

"Edi hindi maglilibot. Kumain nalang tayo. My treat." At dahil gutom naman na kaming lahat, pumayag kami sa gusto ni Devon.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now