Chapter 44 - My Girl

46 3 1
                                    

Dixon's POV

"Manahimik ka nga muna dyan." Iritang sabi ko sa babaeng katabi ko ngayon sa eroplano.

"Wow ha, ikaw na nga ang nakatabi kay Devon Lumierdè ikaw pa may ganang gumanyan? Woah there mister. It's a model you're talking to. A famous model." Tinaas pa nya 'yung kilay nya.

"A famous fake model." Sabi ko. Pinanlakihan nya 'ko ng mata. Hilig nya talaga 'yon gawin 'no? Hindi ba masakit 'yon para sa retokada niyang mga mata?

Hindi ko na sya pinansin at nilagay ang earphones ko sa tenga ko. Makikinig nalang ako ng music kesa pakinggan ko ang boses ng babaeng 'to.

Nandito kami ngayon sa eroplano. Pupunta kaming Pilipinas. Buti nalang pinayagan kami ni Daddy at naintindihan nya. Binigyan nya kami ng 1 and a half month para magstay sa Pinas with Devon.

Pero hindi parin ako makapaniwala na si Wendy pala si Delai. Hindi ko 'yon inaasahan na dadating. Pero aaminin ko, noong una palang ay may kakaibang nararamdaman na 'ko sakanya. Hindi 'yung love ah. Ang ibig kong sabihin, parang, parang nakita ko ang isang taong matagal ko ng hinahanap. Nagegets nyo ba? Kung hindi, wag nyo na intindihin.

Atat na 'kong makita si Wendy at yakapin sya pero sabi sakin ni Caelin ay nakalimot sya. Oo nga pala, naaksidente sya. Pero hindi sya namatay. Pero ang mas nakakapagproblema ay 'yung nawawala sya at hindi alam kung nasaan sya at kung sino ang kasama nya.

Nalaman na daw kasi ni Wendy na si Alexander ay si Peter na talaga namang ikinagulat nya. Nakakapagtampo lang na si Alexander naaalala nya pero kami hindi... Pero kahit ganon, maiintindihan ko naman sya. Sya parin si Delai kahit anong mangyari.

Wendy, magpakita ka na please? Gusto ko na kasing ipaalam sayo ang lahat. Gusto ko ng ipaalam kung sino ba talaga kami sa buhay mo.

Blaze's POV

"Nakagayak ka na ba?" Tanong sakin ni Davris na ngayon ay gayak na gayak na. Aalis na kami ngayon.

"Oo. Pero saan ba tayo pupunta? Hindi natin alam kung nasaan ba talaga siya." Sabi ko.

"Maghahanap."

"Hindi natin alam kung nandito pa  mba sya o nagpunta sya sa ibang lugar para magtago. Mahihirapan tayong hanapin sya." Sabi ko sakanya.

"Madali lang hanapin si Wendy, Blue. Hindi sya magaling magtago." Nakangising sabi ni Davris.

"Hindi tayo titigil hangga't di natin sya nahahanap. Madami akong pera, Blue. Alam mong marami akong magagawa." Tumango nalang ako sa sinabi nya.

"Ano ba talaga plano mo? Anong gagawin mo kapag nahanap mo na sya?"

"Gusto ko siyang..."

"Gusto mo siyang ano, Davris?"







"Gusto ko siyang patayin.."

Wendy's POV

Pagkagising ko ay inaya na agad ako ni Kingsleigh na bumaba. Kakain na daw kami. Umaga palang naman kasi kaya sigurado ay breakfast ang kakainin namin.

"Ano pong sayo, Ma'am?" Tanong sakin nung babaeng nasa harapan namin ni Kingsleigh. Table for two ang kinuha nya.

"Uhm, bacon and eggs nalang tsaka hot coffee." Sabi ko sakanya tsaka ngumiti. Nilista naman nya 'yon.

"Noted po, Ma'am. Sainyo po Sir?" Baling nung babae kay Kingsleigh. Ang cute nya.

"Just coffee." Tipid na sinabi ni Kingsleigh.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now