Chapter 23 - The Past

62 2 0
                                    



Caelin's POV

Hindi parin ako makapaniwala sa nasaksihan ko kahapon sa parking lot. Biglang umalis si Alexander ng tanungin sya kung gusto ba nya si Wendy.

Ang hirap din kasing basahin ng iniisip ni Alexander. Hindi ko ba malaman kung gusto nga ba nya si Wendy o ano.

Pero may kutob ako dito kay Kingsleigh. Alam kong may balak siya kay Wendy. Base sa mga pinapakita nya kay Wendy, alam kong may balak siyang ihulog ang loob nito sakanya.

Para saan?

Kasi iniisip nya na mapapatumba nya si Davris gamit si Wendy.

Pero ang hindi nya alam, dinadala nya ang sarili nya sa panganib lalo ng mukhang gusto nga ni Alexander si Wendy.

Maaaring maulit nanaman yung nangyari dati.

"Tatiana?" Hindi makapaniwalang sabi ni Alexander kay Tatiana. Nanggigilid na ang luha nya.

"A-Alex.. I can.. explain."

"Explain what? Explain that you're cheating on me with my bestfriend?!" Nanggigigil na si Alexander habang tinitingnan niyang hubad sila Kingsleigh at Tatiana. Maski si King ay hindi alam ang sasabihin. Lahat kami'y nakatingin lang sakanila. Hindi namin magawang pigilan si Alexander.

"Alex.." Humahagulgol na si Tatiana.

"I thought that you're different. But it looks like, I'm wrong!" Binalibag ni Alex yung hawak hawak nya. "Here's your fucking ring!"

Nanlaki ang mata ni Tatiana ng makita nya 'yon. Lumabas na ng kwarto si Alexander. Sinundan sya ni Flint.

"Tatiana.." Sabi ni King sakanya. Hahawakan sana sya ni King pero tinabig nya. Tumayo sya mula sa kama at pinulot ang singsing.

"Magppropose dapat sayo si Alexander ngayon.. Kaso bigla namang nadatnan ka niyang ganyan." Sabi ko sakanya. Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Tatiana.

"Kasalanan ko to.. Kasalanan ko to!!!" Niyakap ni King si Tatiana.

"Shh. I'm still here." Umiyak lang ng umiyak si Tatiana. Umalis na kami don.

Nagulat kaming lahat nila Dixon sa nasaksihan.

Buong akala ko hindi yon magagawa ni Tatiana. Isa na siyang anghel kung tutuusin, pero may tinatago din palang baho.

Simula nung araw na 'yon, nag-umpisa na rin ang sunod-sunod na gulo sa mga buhay namin.

Nalaman na ng magulang nila Alexander at Kelsey na may ugnayan sila sa mga Jackson kaya naman nagkaroon na ng malaking gulo.

At yun ang naging dahilan para mawala ng tuluyan si Tatiana.

"You snake." Gigil na gigil na hawak ni Alexander ang baril na nakatutok ngayon kay Kingsleigh. Kanina pa sila nagsusuntukan ng biglang maglabas si Alex ng baril.

"Is it my fault that Tatiana liked me?" Nang-aasar na tanong ni King. Hindi namin alam kung paano sila pipigilin.

"I won't think twice to shot this gun on you." Seryosong sabi ni Alex na nagpakaba saming lahat.

"Tama na yan." Singit ni Vaughn.

"Shut the fuck up." Galit na sabi ni King. "Let him shoot me. And if he does, he'll forever be hated by Tatiana."

"She won't hate me. She actually never did."

"Then what? You think she loves you? She fucking cheated on you!" Kinasa na ni Alex ang baril.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now