Chapter 31 - Tagaytay Trip (Day 2 pt. 4)

37 2 0
                                    

Caelin's POV

"Hahahahaha! Grabe ka. Ikaw din kaya nung mga bata tayo iyakin ka!" Kanina pa kami nagtatawanan ni Kelsey dito sa may tabing dagat. Pinag-uusapan namin yung kabataan namin.

"Uy grabe ka, hindi naman ah!" Sabi nya sabay hampas sakin. Tawa lang kami ng tawa ng biglang maputol 'yon.

Nakita namin si Wendy. May kausap siyang dalawang lalaki.

"Wait, si Davris ba 'yon?" Sabi sakin ni Kelsey. Sinilip ko ang lalaki at nakitang si Davris nga 'yon. Kasama nya yung alagad niyang si Blaze.

"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang si Kelsey.

"Tara puntahan natin sila." Itinayo ko si Kelsey na kanina'y nakaupo sa buhangin. Sabay kaming naglakad papunta sa gawi nila Davris.

"Sinong may sabi na gusto kitang makita uli? Matapos ng ginawa mo sakin nun sa kwarto mo?" Napataas ang kilay ko ng sabihin 'yon ni Wendy.

"Bakit? Ano bang ginawa sayo ni Davris, ha Wendy?" Halatang nagulat siya sa biglaang pagsulpot namin ni Kelsey. Tiningnan ko si Davris pero nakangisi lang sya.

"Oh, kayo pala, Kelsey at Caelin. Kamusta?" Tiningnan ko si Kelsey sa tabi ko at nakitang nakayukom ang kamao nya. Matapos mawala samin ang pinakamatalik naming kaibigan, lumaki ang galit ni Kelsey kay Davris.

"I'm perfectly fine." Nanggigigil na sabi ni Kelsey. Hinawakan ko sya sa braso.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko.

"Masama ba? Naisipan ko kasing maglibot ngayon sa Tagaytay. Hindi ko alam na nandito pala kayo." Ngumiti nanaman sya ng nakakaloko.

Hindi mo ko maloloko, Davris. Alam kong sinadya mo na pumunta dito. Alam kong alam mo na nandito kami.

"Sa dinadami-dami ng mga resort dito sa Tagaytay, talagang dito pa sa resort kung nasaan kami?" Inis na si Kelsey. Nahahalata ko yun. Tiningnan ko si Wendy at nanonood lang sya samin.

Nagkibit balikat si Davris at sinabing, "Siguro pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana." Hindi ko mapigilang maasar sa tono ng boses nya. Gustong-gusto ko na siyang suntukin.

"Anong ginawa nya sayo, Wendy?" Balik tanong ko kay Wendy. Tumingin sya ng masama kay Davris tsaka tumingin sakin.

"Sya ka-"

"Nag-usap lang kami tungkol sa bagay-bagay." Pagputol ni Davris sa sasabihin ni Wendy.

"Wendy," tawag ko uli sa pangalan nya.

"Wala naman.." Alam kong meron pero tumango nalang ako. Hindi ko alam kung bakit biglang sinabing wala ni Wendy.

"Blaze." Tawag ni Wendy don sa blue ang buhok na Blaze ang pangalan. Tumingin lang sakanya si Blaze.

"Di mo sinabi saking pupunta ka palang Tagaytay." Kinamot lang ni Blaze ang ulo nya.

Matapos non ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot saaming lima.

Nabasag lang 'yon ng may biglang magsalita sa likod nila Davris.

"Alexander." Bati ni Davris.

"Ikaw pala." Makikipagkamay sana si Davris pero hindi iyon tinanggap ni Alex.

"What are you doing here?" Halatang ayaw din ni Alex na nandito si Davris.

"I'm having a vacation." Sinungaling.

"Siraulo, Flint! Akin na kasi yan!" Nakita naming naghahabulan sila Flint at Vaughn mula sa malayo. Tangina netong mga to, condom ang pinag-aagawan. Paniguradong kay Vaughn nanaman yon. Proteksyon daw kasi.

Wink of an Eyeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن