WOAE 13

27 0 0
                                    

A/N: By the way, Si Flint Parker 'yung nasa media. Maglaway kayo. Charot.

Someone's POV

Japan

"Sir?" Nilapitan ako ni Apple. May dala-dala siyang kape.

"Para sakin ba 'yan?" Ngumiti siya at tumango.

"Yes, sir. Para sainyo po." Kinuha ko 'yung kape at ininom.

"Uhm, Sir. Balita ko, babalik ka na ng Pilipinas?" Ibinaba ko muna ang kape at tumingin sakanya.

"May unfinished business pa kasi ako." Sabi ko at tumingin na sa laptop.

"Ano po 'yon, Sir?" Ngumiti lang ako sakanya at hindi siya sinagot.

Kim Akamatsu, asks for a leave in showbiz. No questions answered.

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Bakit siya maglileave? Ang alam ko mahal na mahal niya ang trabaho niya tapos maglileave siya? Hindi naman sana siya ganon kapagod.

"Apple, bakit maglileave si Kim Akamatsu sa showbiz?" Nagkibit balikat lang siya sakin.

"Wala po siyang sinabi, Sir. Bigla nalang in-announce ng manager niya na humiling ng break si Kim."

"Weird. Mahal na mahal non trabaho niya, ah."

"Baka naman sir napagod na. Lahat naman ng tao napapagod. Ako nga pagod ng umasa sainyo." Kumunot ang noo ko.

"Ano kamo?"

"Wala, sir. Sabi ko ang ganda ng bagong kulay ng buhok niyo." Tumingin ako sa salamin sa gilid ko at pinagmasdan ang bagong kulay ng buhok ko.

"Ayoko na kasi ng dating kulay ng buhok ko. Masyadong madaming masasamang alaala."

"Gaya ng ano po?"

"Mabuti pa, manood ka nalang sa baba. Iwanan mo na ako dito."

"Sir, hindi po ako marunong mang-iwan." Ay pigilan niyo ko. Maibabato ko na kape ko dito.

"Apple."

"Sabi ko nga sir lalabas na ko. Hehe. Bye sir." Lumabas na siya ng pintuan pero nagulat ako nung sumilip pa ulit siya. "Gwapo niyo po, sir. Hehehehe." Tsaka niya ulit sinarado ang pintuan. Napailing nalang ako.

Tumingin ako ulit sa laptop ko at may nakita akong message sa yahoo mail.

From: dalejrisaaaav@gmail.com

binuksan ko 'yon at nakita kong link. Pinindot ko 'yon.

Muntik ko ng maibagsak ang kapeng hawak ko ng magload na ang laman nung link.



Anicka Ferrer-Akamatsu is now earning millions because of her daughter Kim Akamatsu which is now on a leave.

Anicka Ferrer Akamatsu.. Ferrer. Ferrer.

Kim Akamatsu. Anicka Ferrer Akamatsu.

Anong kalokohan 'to?

Ini-scroll ko pa pababa at nakita kong may picture don.



Buhay ang nanay ko?


At may anak pa siyang iba?


Wendy's POV

"Hello, Philippines!" Masayang sabi ni Kelsey habang nakataas pa ang dalawang kamay. Tinanggal ko na ang scarf ko dahil mainit na ulit. Tiningnan ko si Alexander sa tabi ko.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now