WOAE 10

22 0 0
                                    

WOAE 10

Vaughn's POV

"Kamusta si Wendy—Este, Laine?" Tanong ko kay Kelsey na ka-skype namin ngayon ni Caelin. Oo, magkasama nanaman kami ng bugok na 'to. Nandito kami sa bahay ko.

"Wendy, Laine, whatever. Okay naman na siya. Nagpapagaling lang siya ngayon but lalabas din naman na siya soon." Ngumiti siya. "And oh, by the way..." Hinintay namin ang susunod niyang sasabihin.

"As soon as makalabas na si Laine sa hospital, uuwi na kami sa Philippines."

"Weh?!" Di makapaniwalang tanong ni Caelin. Nakangiti samin si Kelsey tsaka tumango.

"Yeah, mas safe kasi si Laine diyan kaysa dito. She needs a break from her career. Reporters won't stop bugging her." Napatango naman ako sa sinabi niya.

"E kailan kayo uuwi?" Excited na tanong ni Caelin.

"Soon, Cael."

"I miss you." Inirapan ko si Caelin sa tabi ko ng sabihin niya 'yon.

"I miss you, too." Sabi naman ni Kelsey.

"Ehem." Napatingin sakin si Caelin ng sabihin ko 'yon. "Baka nakakalimutan niyong nandito ako." Tumawa si Kelsey.

"Oo nga pala, Vaughn. Kamusta? Balita ko nag-ano kayo ni Felicia..." Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Nag-ano?" Gulat ko paring tanong.

"Nag... Nagmeet! Nako, ikaw ha. Anong naiisip mo?" Pang-aasar pa niya sakin.

"Ayoko ng pag-usapan." Binatukan naman ako ni Caelin matapos kong sabihin 'yon.

"Sus, baka nga kayo na e!" Sabi pa niya.

"Ulul, hindi." Tumayo na ako mula sa pagkakadapa sa kama. "Kuha lang akong pagkain. Nagugutom na ko, e." Tumango lang si Kelsey at hinarap na ulit siya nung boyfriend niya.

Bumaba na ako at dumiretsong kusina. Kumuha ko ng chichirya sa cabinet at naupo nalang sa sofa.

"Nag-ano." Sabi ko sa sarili ko habang napapairap. "Hanggang kailan ba ko magsisinungaling tungkol sa lovelife ko?" Inis kong sabi habang kumakain na nung chichirya na kinuha ko.

Tahimik lang akong kumakain ng chips ng biglang magring 'yung phone ko. Agad akong napabitaw sa chichirya nung makita ko kung sino ang tumatawag.


Felicia my loves calling...

Bakit naman kaya siya tumatawag sakin ngayon? Matapos nung gabing 'yon, hindi na kami nag-usap ni Felicia. Tapos ngayon bigla-bigla siyang tumatawag.

Matagal kong tinitigan ang phone kong nagriring. Sasagutin ko ba?

Syempre sasagutin ko. Felicia 'yan e.

Napabuntong hininga nalang ako tsaka sinagot ang tawag niya.

"Hello?" Sagot ko.

"Vaughn.." Napakunot ang noo ko ng marinig kong umiiyak siya.

"Felicia? Okay ka lang?"

"Si Elisse kasi..." Yung girlfriend ni Flint?

"Anong meron sakanya?" Tanong ko.

"Naglayas siya. Vaughn, please help me. Nag-away kami kagabi dahil kay Flint and I think siya ang kasama niya ngayon.."

"Knowing Flint, hindi siya ganon. Hindi niya itatakas ang kahit sino. Hindi niya trip." Sabi ko. Totoo naman.

Wink of an EyeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz