rin.

Habang nasa sasakyan sila agad syang inasar ng kanyang

mga kaibigan.

"Infairness naman sayo sister..dala-dalawa ang boyfriend

mo tapos samin ka nagpapasundo" sabi ni Airis

"Oo nga kawawa tuloy ang mga date namin..Tsk..nauna

na tuloy sa party" sang-ayon naman ni Mina.

"Alam nyo naman ang sitwasyon ko diba?"

"Eh bakit kasi pinatatagal mo pa? Eh di kaw din ang

nahihirapan"

Tumahimik na lang si Neira, balik na naman sa issue

tungkol sa kanila. Ayaw nya sanang masira ang gabi

nya kaso lang nakalimutan nya na si Matt nga pala

ang date nya. 

Excited pa naman syang makita si Renz kung

ano ang hitsura nito.

Pagdating nila agad syang sinalubong ni Matt sa labas

ng gate. Napakagwapo nito sa suot na long sleeves with 

tie. Para nga syang celebrity sa suot.

Yung iba mga trying hard para lang magbebenta ng

encyclopedia. Pero marami pa rin talagang magagandang

babae ang nagpaayos para sa party. Napakamagastos talaga

ng school nila dahil meron pa naman siguradong magaganap

na Prom.

"Bhie! Andito ka na! Ang ganda-ganda mo naman ngayong

gabi" lumapit si Matt kay Neira hinawakan nito ang kamay ng

dalaga.

"Ay..sige tutubhie..una na kami ah. Inaantay na kami

ng aming dates!" paalam ng kanyang mga kaibigan.

"Halika na," yaya ni Matt and he offered his arm

Wala nang nagawa si Neira kundi kumapit dito. Hindi naman

sa ayaw nyang makasama si Matt. But she just badly want

to be with Renz.

Pagpasok pa lang nila, pinagtitinginan na sila ng ibang

mga estudyante. Eversince na naging sila ni Matt, hindi

na maiwasan ni Neira na makakuha ng atensyon mula sa iba.

Magkahiwalay ng upuan ang section ni Matt at Neira. Pero

nakiupo pa rin si Matt sa section nina Neira. Welcome

na welcome naman sya sa mga kaklase ni Neira. Kung meron

mang maiinis sakanya isang tao lang naman yun at yun si

Renz.

Nakipagkwentuhan muna si Matt sa circle of friends ni Neira

at iba pa nitong mga kaklase. Magaan ang loob ng lahat kay

Matt. Kanina pa hindi mapakali si Neira, hindi pa kasi nya

nakikita si Renz.

Gusto sana nyang tanungin ang mga kaklase pero nahihiya

naman sya. Gusto sana nya itong itext kaso nasa tabi naman

nya si Matt.

"Okay ka lang ba Bhie? Parang balisa ka? Masama ba 

pakiramdam mo?" pansin sakanya ni Matt

"Huh? Ahm...ano kasi...pupunta lang ako sa comfort room"

paalam ni Neira at tuluyan ng tumayo.

Itetext nya si Renz. Mukha kasing hindi pa ito dumadating.

To: B.B

Butter asn ka n? Hindi ka ba aatend?

Pls txt me. I love you,

Message Sent!

Antagal nag-aantay ni Neira ng reply ni Renz

pero wala man lang itong narereceive. 

Nakailang text na rin sya pero hindi talaga

ito nagrereply. 

Sinubukan na rin nya

itong tawagan pero hindi naman nya ito makontak.

medyo naiinis na nga sya at the same time

nag-aalala.

20 minutes na rin siguro syang nakatambay sa

banyo kayo nagdesisyon na syang lumabas. Bumalik

sya sa kinauupuan nya at nandun pa rin si Matt

habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nya.

A reader's diary (Completed)Where stories live. Discover now