Chapter 57: Secrets Revealed

1.6K 23 4
                                    

dalwang chapters yan ha? haha.

(^___^)V

dedicated to MyJapss, kasi nagvovote siya at napasaya niya ko sa comment niya..

sorry medyo madalang ang updates ha? promise, tina-try ko siyang isingit tuwing kaya ko. pag minsan lang talaga ayaw gumana ng brain cells ko sa sobrang pagod, haha.

at p.s.. sa lahat ng nagugustuhan po ang swak. pa-follow na lang aco. so that I'll know kung sino-sino yung mga pagdededicatan ko. thank you very much! :3

soooo, ayan na. enjoy! ;)

@@@@@

++MIO++

(This happened in Chapter 55..)

Ang tagal naming mahigpit na magkayakap. Pagkatapos nun hinalikan niya ko sa noo, sa magkabilang pisngi, sa lips ng paulit-ulit.

Hinampas ko naman ulit siya ng hindi pa rin siya tumitigil kahit naka-ilang ulit na siya..

''Bumabawi lang ako. Ilang araw ko ding hindi ka makikiss.'' parang batang sabi nito habang naka-pout.

''Oh sige na.. Ba-bye na. Baka hindi na kita paalisin pag hindi ka pa umalis ngayon.'' natatawa kong sabi.

Pinanood kong umalis si Kit at pakiramdam ko nahahati sa dalawa ang puso..

Hehe, ang corny ko na! Ganun ata talaga pag-inlababo. Napangiti na lang ako.

Papasok na ko ng biglang may tumawag sakin. ''Mio!''

Nilingon ko kaagad ito at nagulat ng makita kung sino ang kumakaway sakin..

Anong ginagawa niya dito?

Hindi ko siya kilala sa personal at ngayon ko lang siya nakita ng malapitan pero marami na kong narinig tungkol sa kanya. Ang hindi ko alam e kilala din pala niya ko.

''So, you're name is really Mio? Let me guess, Japanese blood?'' tanong nito ng lumapit na sakin at tumango naman ako. ''I'm sure kilala mo na ko, right?''

''Hindi gaano.. but I know how you treat Tori, Cheska.'' ngumiti ito. ''I don't want to be rude, pero anong ginagawa mo dito?''

''Actually, this matter does not concern Victoria, but this is between me, Kit.. and you.''

''Hindi ko maintindihan..'' pag-amin ko.

''Oh, you would understand, dear. That's why I'm here.'' may inilabas siyang card at iniabot sakin.

''I'm actually doing this for you, Mio. You seem nice, kaya naman ginagawa ko 'to. If you want to know the truth, pumunta ka sa address na nakalagay diyan.'' tumalikod na ito pero bago pa ito sumakay sa kotse ay humarap ito ulit sakin.

''And sana you keep our little meeting today a secret. Au revoire.'' ngumiti ito at sumakay na ulit sa kotse.

Naiwan akong naguguluhan, habang hawak hawak ko ang invitation na ibinigay sakin ni Cheska.

I have this feeling na walang magandang patutunguhan ang pagpunta dito ni Cheska, pero..

Ano bang katotohanan ang sinasabi niya?

Ito ba ang sagot sa mga bagay na hindi masabi ni Kit sakin?

Kit.. anong dapat kong gawin?

@@@@@

Mahinang hinampas ni Zaydie ang lamesa sa harap namin. ''Huy bes! Ano ba? Saan ba nagpupunta ang kaluluwa mo pag natulala ka ng ganyan?''

Napangiti naman ako at ipinagpatuloy ang pagpapalit ng punda ng mga unan.

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now