Chapter 61: Coping

1.6K 19 4
                                    

The waiting's over.. Another update pipz! :3

haha, I'm on a roll..

enjoy! ;)

@@@@@

Chapter 61

++MIO++

*ting!*

Dinampot ko kaagad ng nakangiti ang cellphone ko ng tumunog ang message tone ko..

From: Hal ko <3

hal, can't come to school today. I'm sorry. I'll call you as soon as I can. I love you..

END OF TEXT MESSAGE

Napabuntong-hininga ako ng matapos basahin ang text ni Kit at ang pagkakangiti ko ay biglang nawala.

Hindi na naman siya makakapasok..

Sunod-sunod na ang absent niya simula nung celebration ng New Year ahh!

Naiintindihan ko namang super busy niya, hindi lang dahil senior na siya at nag-aasikaso ng mga college applications at dahil na rin nagsisimula na rin siyang pag-aralan ang paghahandle sa kompanya ng lolo niya.

Hindi din sa nagtatampo at nagseselos akong wala na siyang oras para sakin.. para samin. Pakiramdam ko lang kasi simula nung nalaman ko kung sino talaga si Skitter Jansen, parang unti-unti na rin siyang lumalayo sakin.

Alam niyo ba yung pakiramdam na narealize mo na yung taong mahal mo ay sobrang out-of-your-league?

Nung ang tingin ko pa nga lang sa kanya ay isang senior hearthrob na sobrang gwapo at sobrang sikat pakiramdam ko e hindi na ko karapat-dapat sa kanya, ngayon pa kayang nalaman ko na tagapagmana pala siya ng isang malaking kompanya at kabilang sa isang kilala at mayamang pamilya?

Don't get me wrong.. mahal na mahal ko si Kit. Ang problema lang, nahihiya ako sa sarili ko. I feel so irrelevant sa buhay ni Kit.

Aish! \(>____<)/

Nagulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration..

''Missa..''

Nilingon ko agad si Wyn na nakatingin sakin mula sa likod. Kita sa mga mata nito at pagkakangiti na tinatanong nito kung ayos lang ako.

Nag-two tumbs up naman ako sa kanya, bago sinubukang i-focuse na lang ang attensiyon ko sa librong binabasa ko..

Pero hindi ko rin magawa yun dahil sa lakas ng chikahan ng dalwang clasmate sa harap ko.

''Nabalitaan mo na ba yung bagong chika, mare?''

''Ano yun? Kung yan yung tungkol dun sa sinapian, alam ko na yun.'' irap naman ng kausap nito.

''Sira, hindi yun! Yung tungkol kay Kit!''

Parang may tumunog sa tenga ko ng marinig ko ang pangalan ni Hal at naging super focused na ko sa usapan nila.

''Anung tungkol kay Prince Kit?''

Napataas ang kilay ko. Talagang may lakas ng loob silang pagusapan si Kit sa harap ko ha? Pag puro echos ang chikang 'yan baka makakapanabunot ako. Hehe.

''Ano ka ba? Si Kit, parang malapit ng maging totoong Prince Kit! Napanood ko yung interview niya sa tv, mayaman si Papa Kit 'te! As in MAYAMAN.''

''Hindi na yun kagulat-gulat, fes pa lang 'te, pang-mayaman na. Ang nakakapagtaka lang eh kung bakit siya pumasok sa isang public school.''

''At kung bakit nagustuhan niya si Mio.'' pabulong na idinagdag pa nito pero narinig ko pa rin siya.

''Isa siguro sa mga dahilan e hindi niya i-chinichismis ang mga chika niya na tungkol sa buhay ng ibang tao, hindi kagaya niyo!''

Magrereact na sana ako ng may nauna ng nagreact para sakin.

Nakita ko na sa harap ng dalwang babae ang isang nakapamewang na Zaydie at nakatayo sa likod nito si Lee na ngiting ngiti na parang wala ng bukas.

Hindi pa ako nakakakita ng taong kung makangiti eh wagas na wagas. Si Kade kasi lagi lang nakangiti, kaya smiling face, pero hindi naman oa yung ngiti niya gaya ni Lee .

''Isa pang marinig kong pinagchichismisan niyo ang bestfriend ko, kakalbuhin kayo ni Lee! Maliwanag?!'' paling nito kay Lee na biglang nawala ang pagkakangiti sa gulat. Sabay na nag-gasp ang dalwang madaldal na babae.

''Hon..'' Itinaas ni Lee ang magkabilang kamay na parang sumusuko sa mga pulis. ''Alam mo namang hindi ako nananakit ng babae, Mahal ko lahat ng mga babae! I'm a certified woman lover--'' napatigil ito ng tingnan siya ni Zaydie ng masama. As in sobrang sama..

(TT____TT) --> LEE

''Sabi ko nga, hon, kakalbuhin ko sila! Anong gusto niyo kalbo talaga lahat, semi lang o may mohawk?!'' sigaw na nito sa mga babae.

Napatawa ako sa reaction ni Lee. Tsh! Takot talaga kay Zie ang isang ito. Under de saya, haha..

Pagkatapos tingnan pa ng isang deathly stare ang mga babae, na ngayon ay mga tahimik na at namumutla na ay umupo sa tabi ko si Zaydie.

''Kaya ko namang i-handle na yun, Zie.'' sabi ko ng natatawa pa rin.

''Alam ko naman, bessie. Masaya lang talaga magtaray..'' nakangiti ng sabi nito. ''And besides, inis talaga ako sa mga chismosa. Ibalato mo na sakin ang dalwang yun.''

''Hon..'' biglang sumingit si Lee sa usapan namin at nagpout sa harap ni Zaydie.

''Huwag mo kong matawag tawag na hon diyan ha! Woman-lover ka di ba?! Dun ka sa mga babae mo!'' galit na sigaw ni Zaydie.

Haha, away na naman, promise, ang araw na titigil na sa pag-aaway si Zaydie at Lee ay ang araw na pumuti na ang mga uwak.

''Nagbago na ko, hon! Di ko sinasadya yung nasabi ko! Sorry na!'' nagsign lang ng W si Zaydie gamit ang kaliwang kamay, meaning 'whatever'..

''Mio?'' nagpuppy dog eyes sakin si Lee na parang nahingi ng saklolo.

''Sorry, Lee. Ayoko din sa mga 'woman-lover'. Kampi ako kay Zie sa isang ito.'' gumamit pa ko ng air quotes habang pinipigil ang pagtawa.

Sinimangutan ako ni Lee sabay paling sa may likudan ng classroom. ''Pare?''

''Sorry, dude. Tulog ako kanina eh. Pero malamang niyan, kasalanan mo din naman.'' nakangiting sagot ni Wyn na parang nanloloko.

Napanganga si Lee at humawak sa puso niya na parang sobrang nasaktan. ''Grabe kayo! Anung klase kayong mga kaibigan? Pinagtutulungan niyo na naman ako..'' oa na pagkakasabi nito na parang maiiyak na.

''Kaya nga, ganun talaga ang mga tunay na kaibigan..'' sagot ko, at this time, hindi ko na napigil ang pagtawa ko. ''Di ba, Wyn?''

(^____^)

Tumango naman si Wyn habang ngiting ngiti. Kahit si Zaydie na nagpipigil ng tawa ay napangiti din. Buti na lang at hindi ito napansin ni Lee na naupo sa isang tabi at nagmukmok sulok.

@@@@@

updates SOON.. ;)

VOTE kung nagustuhan nyu ang chappy na 'to.

love you all! :3

-- luna <3

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now