Chapter 66: She's Evil

1.5K 16 2
                                    

NOTE: Grabe, to the max! hahaha.. OMO, I'm just sooooo happy! Happy four thousand reads swak!!! Thank you! I love you all so so so much.. :3

@@@@@

Chapter 66

++MIO++

Iminulat ko na ng dahan-dahan ang mga mata ko. Hmm..

Inaantok pa ko.. buti na lang Sabado.

Kinapa ko ang cellphone ko sa kama. Asan ba 'yun? Aish..

''Hmm?'' napaupo ako at nakitang nasa sahig na ito.

''Wow, malikot pala talaga akong matulog..'' napatawa ako sa sarili ko.

Kinuha ko ito at nakitang may 4 messages ako kagabi. Binuksan ko ang pinaka-una..

From: Hal ko <3

Sorry di na ko nakatawag, hal. I'll call you tomorrow.. Goodnight.

END OF TEXT

Text pa 'to ni Kit kagabi. Busy na naman siguro siya ngayon.. Siguradong hindi kami makakalabas kahit Sabado.

From: BhesZaydie

PAG HINDI KA NAKARATING DITO NG LIMANG MINUTO, HINDI MO NA ULIT MAKIKITA PA ANG SIKAT NG ARAW! SERYOSO AKO! BABALIAN KITA NG BUTO!

END OF TEXT

Shemay.. Ano 'tong text ni Zie? Grabe ha, nagising ako dito!

From: BhesZaydie

Em, wrong send.. Peace! (^___^)v

END OF TEXT

Napatawa ako ng sobra. Feeling ko para kay Lee ang text na 'yun. Nabalian nga kaya siya ng buto kagabi?

From: Hal ko <3

Hal, I love you.. :D

END OF TEXT

Ayiieeee.. pampaganda ng maga, hahaha. Napatalon-talon pa ako habang nakaupo sa kama. Shemay, bakit kinikilig pa rin ako kapag sinasabi 'yun ni Kit?

Bumangon na ko at nag-inat. Yosh, ano kayang breakfast sa baba?

*pata-pata-pata-PON! pata-pata-pata-PON! PON-PON-pata-PON! PON-PON-pata-PON!*

''Hello?''

Agad kong sinagot ang cellphone ko ng tumunog bigla ang cute na cute kong ringing tone, mula sa larong Patapon na nilalaro ko sa PSP ni MV.

''Good morning, Miss Okita. I'm from the Executive Office of Mr. Edward Jansen. Please hold for a minute..'' sabi ng magandang boses sa kabilang linya.

Bigla akong napalunok.. Edward Jansen? L-lolo ni Kit?

Shemay, biglang nag-panic ang buong sistema ko..

Grabe, grabe, grabe! A-anong g-gagawin ko?!

''Hello, iha?'' na-iimagine ko ng nakangiti ang Lolo ni Kit habang nagsasalita.

''A-ahh, h-hello po..'' kinakabahan kong sagot. ''K-kamusta po kayo?''

''Ahh, medyo maayos naman ako, iha. Salamat sa pagtanong.'' masayang sagot nito.

''Iha, mayron sana akong pabor na hihingin sa'yo. Maaari mo ba kong mapagbigyan?''

''A-ano po 'yon?''

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan at napalunok ako..

@@@@@

++CHESKA++

(A few hours earlier..)

Saglit na natahimik ang opisina ni Lolo Ed..

''Totoo ba lahat ang sinasabi mo sakin, iha?'' seryosong tanong ng lolo nina Kit.

Lihim akong napangiti..

''Totoo po, Lolo.. G-gusto ko lang po na malaman niyo kung sino talaga si Mio.'' ginamit ko ang pinaka-kapanipaniwalang boses ko.

''Mapagpanggap siya, Lolo. Nakipagrelasyon po siya kay Kade dahil akala niya si Kade ang magiging tagapagmana niyo kaya naman po ng malaman niyang si Kit ang pinili niyo.. gumagawa po siya ng paraan para agawin sakin si Kit.'' maluha-luha kong sabi.

Hmp.. Siguradong sakin maniniwala si Lolo. Gusto ko ng magtatalon sa saya.

''Pera lang po ang habol ni Mio, Lolo. Ayoko lang pong masaktan si Kade o kahit si Kit. Nag-aalala lang po ako.. tinakot na rin po kasi ako ni Mio para walang pagsabihan ng nalaman ko, p-pero, p-pero alam ko pong ito ang tama.''

Madahan kong pinunasan ang mga luha ko.. at tumingin ng diretso sa mga mata ni Lolo Ed. Malungkot ang expression ng mukha nito, kaya siguradong naniwala siya sa mga sinabi ko.

''Salamat sa mga sinabi mo, Cheska.'' sabi ni Lolo Ed ng salubungin nito ang tingin ko. ''Nalinawan na ako. Maraming salamat.''

Malungkot din akong ngumiti, kahit na pigil na pigil na kong tumawa ng malakas. Everything's going as planned. ''Sige po, Lolo. 'Yun lang naman po ang ipinunta ko rito. Pasensiya na po kung may naabala po ako..''

''Walang ano man, iha. Dumalaw ka kahit kailan mo gusto.'' nakangiti ng sabi ni Lolo Ed.

Tumayo na ko at umalis na sa opisina ng may ngiti sa mga labi ko.

Everything's going as planned..

Pagsisisihan nilang kinalaban nila ang isang Cheska Javier.

@@@@@

wiii, another update pipz.. :D

hahaha, hindi ko alam kung anong sumapi sakin at type ako ng type. hahaha..

vote if you like this chapter and leave your comments below! thank you so much.. mwah. :3

x.o.x.o.

-- luna <3

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now