Chapter 65: Sick

1.5K 18 3
                                    

@@@@@

Chapter 65

++KADE++

Dali-dali akong tumakbo papasok sa ospital. Naiwan kong bukas ang kotse ko pero wala akong pakialam kahit manakaw pa 'to.

Kaylangan kong makarating kaaagad dun..

Sana okay lang siya. Sana walang mangyari masama.

Humi-hingal akong pumasok sa isang kwarto sa ospital at nakita ko siyang nakahiga sa isa sa mga kama..

Hindi..

Hindi 'to pwede..

''Victoria.. B-bakit.. G-gumising ka.. H-huwag mo kong i--''

''Kade?''

Bigla akong napaatras sa sobrang gulat. ''T-tori?!''

''Kade, anong ginagawa mo dito?'' nagulat ding napaupo si Tori.

''A-akala ko kasi.. Tumawag ako sa.. Sabi nila..'' Niyapos ko ng mahipit si Tori. Sobra talaga akong nag-alala.

''Kade, ano ba kasing nangyari?'' niyapos din ako saglit ni Tori bago ako bitawan nito at iharap sa kanya.

''Tumawag ako sa inyo, sabi eh nandito ka daw sa hospital.'' huminga ako ng malalim. ''Akala ko may nangyaring masama sa'yo. Nag-alala ako ng sobra.''

Napatawa ng mahina si Tori. ''Kade, andito lang ako para sa daily check-up ko.''

''Ganon? Pagtawanan pa ko e kitang nag-alala na nga 'yung tao oh!'' nag-pout ako kay Tori at kinurot nito ang magkabilang pisngi ko.

''Waaa.. Tori, ano va? bichiwan mow koch.'' pinilit kong sawayin ito at tumawa pa ito lalo.

''Lumabas ka muna, pabalik na si Doc. Tapos.. ililibre kita ng lunch. Okay ba 'yun?'' tumango ako at ngumiti si Tori. ''Sige na, sa labas ka na muna. Magsuklay ka. Gulo-gulo ang buhok mo.''

Tumayo ako para tingnan ang ayos ng buhok ko at para nga itong nadaanan ng bagyo. ''Tsshh.. pasalamat ka, maganda ka kundi..'' tumatawa pa rin ito ng lumabas na ako sa kwarto.

Napangiti ako pag-kasarado ko ng pinto. Nakakatawa.. Ang OA ko ata ngayon.

Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok ko, gamit ang kamay ko. Naupo ako sa isa sa mga upuan sa labas ng bigla kong maalala ang kotse ko.

Damn.. Pag-nanakaw 'yun, patay ako kay Mama.

Tumayo na ko at pumaling sa may elevator.. at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

This can't be..

''Natagalan ba ko? San mo gust--'' biglang sumulpot si Tori sa tabi ko pero agad nawala ang ngiti sa mga labi nito ng makita kung kanino ako nakatingin.

Bakit pakiramdam ko may alam si Tori na hindi ko alam?

Kita ko ang pag-iiba ng mukha nito. Ang saya ay napalitan ng matinding pag-aalala..

''Cheska?''

@@@@@

++CHESKA++

''Kung wala kayong sasabihin, aalis na ko. Sinasayang niyo lang ang oras ko..''

Naglalakad na ko palayo ng may pumigil sa braso ko. ''Anong ginagawa mo dito, Cheska?'' tinanggal ko ang pagkakahawak ng santa-santitang babae sa braso ko.

''Sa'yo ba 'tong ospital? Ha?'' namewang ako. ''Wala ba kong karapatang pumunta dito?''

Pero hindi naapektuhan ang babaeng 'to. ''Are you sick?'' mahinang tanong nito.

May kung ano akong naramdaman sa puso ko. Bakit mukhang nag-aalala siya sakin?

Lagi na lang siyang nag-babait baitan..

Mapagpanggap talaga kahit kailan..

''I'm sick..'' ngumiti ako ng pang-asar. ''Sick of you. Sick of him.'' tinuro ko si Kade. ''Sick of that Mio, I'm sick of everyone. Ano? Masaya ka na?'' pinagtaasan ko ito ng kilay.

Pero parang wala itong narinig at kinuha nito ang braso ko, na pilit kong tinanggal. ''Ano ba?!''

Itinaas ni Tori ang sleeve ng wool sweater ko at nanlaki ang mga mata nito.

Alam na niyang..

''No.. Cheska..''

Sapilitan ko ng kinuha ang braso ko. ''Shut up.. Shut up!''

''Pero Cheska..''

Kusang imigkas ang kamay ko sa mukha ni Tori..

Malakas ang sampal ko at hindi ko ito pinagsisisihan kahit na dala lang ito ng emosyon.

Anung karapatan niyang kaawaan ako?!

Anong karapatan niyang malaman?!

At anong karapatan niyang mabuhay ng masaya habang ako ay..

Ano bang meron siya na..

''Cheska!'' lumapit na si Kade samin at hinawakan ang balikat ni Tori. ''Ano ba?''

''Hmp.. Magsama-sama kayong lahat! Pero isa lang ang tandaan niyo.. Sisirain ko ang mga buhay niyo!'' naglakad na ko palayo sa kanila.

Dahil ano pa nga bang iba kong magagawa?

Hindi patas na naghihirap ako habang nagsasaya ang mga taong nasa paligid ko..

Kailangang masira din ang buhay nila, gaya ng pagkasira ng buhay ko..

@@@@@

short update lang, guys. congratulations sakin, sunod sunod ang update ko! yeba! ;)

so.. anong masasabi niyo? gets niyo na ba kung saan nagmumula ang kasamaan ni Cheska?

Comments again, pipz.. and vote if you like the SHOCKING revelation.

-- luna <3

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now