Chapter 34: Finally!

2K 23 0
                                    

madrama chap na to, hehe..

peo sna mgustuhan nyu pa rin. ;)

enjoy reading!

-- luna

@@@@@@@@@@

Chapter 34

++MIO++

Tahimik lang kami naglalakad nina Tori sa mga booth..

Nahihiya naman ako dahil pinagtitinginan ako ng mga tao.

Ang loka kasing si Tori, hindi na ko pinagpalit man lang ng damit. Bagay daw kasi talaga sakin yung maid costume.

''Ayy.. Mio, ang cute oh.. Cat ears! Bagay diyan sa maid costume mo.''

Kinuha nito ang cat ears at isinuot sa akin.. ''Miss, magkano 'to? Bilhin ko na.'' Binayaran nito agad bago pa ko makatutol..

''Ang cute!'' puri ulit nito. ''Isuot mo lang 'yan ha?''

''Ah ah, Tori. Nakakahiya na 'to.. Pinagtitinginan na nga nila ako dahil sa suot ko, tapos ito pa.'' akma kong tatanggalin ang cat ears pero pinigilan ako ni Tori.

''Anlaaa..'' pagmamaktol nito na parang bata. ''Bagay talaga sayo, promise!'' hinila nito si Kit sa braso at tinanong. ''Kit, di ba bagay kay Mio? Ang cute cute niya no?''

Tumingin sakin si Kit..

Tapos umiwas na lang ito bigla ng tingin ng walang salita-salita..

''Miss!'' nagulat ako ng biglang may lumapit sakin na grupo ng mga babaeng high school students mula sa ibang school.

Hala! Naiinis ba sila sakin dahil lagi kong kasama si Kit? Aawayin ba nila ako?

Na-trauma na ata ako gawa nung mga babae sa Pacific International Highschool.

''Miss, cosplayer ka diba?'' tanong ng isa sa mga babae na may hawak ng camera. ''Pwede bang magpapapicture?''

H-HA?? (>//////

@@@@@@@@@@

++KIT++

Pinapanuod namin ni Tori si Mio habang nagpapapicture ang mga taga ibang school sa kanya..

''Instant cosplayer kaagad si Mio ahh..'' koment ni Tori. ''Wait. Bibili lang ako ng cotton candy. Dito ka lang intayin mo si Mio..'' pagkatapos ay nakakaripas na ng alis si Tori.

HAno pa nga bang magagawa ko? Umurong ako ng kaunti at sumandal sa pader di-kalayuan sa kinatatayuan ni Mio.

Tutal parang patapos na din naman yung pictorial nila..

''Can I also take a picture with you?'' narinig kong may lalaking nagtanong kay Mio. Tumingin naman agad ako.

Kung babae lang, sige, magsawa kayo sa kapipicture kasama si Mio pero pag lalake.. ahh, parang ibang usapan na 'yun. >______

''Kade!'' nagulat ako ng makitang nasa harap nga ni Mio si Kade.

Anong ginagawa niya dito?

Hinawakan ni Kade ang magkabilang pisngi ni Mio at pinisil ito. ''What did you do? You look prettier than the last time I saw you! Lalo ka atang gumaganda ng gumaganda..'' nakangiting sabi ni Kade kay Mio pero nakatingin ito sakin.

''Pag ganito ng ganito, baka lumipat ako dito para araw-araw kitang nakikita..''

Halatang pino-provoke niya ko..

(>____

I know I should learn to control my temper but..

Lumapit ako at hinila ko si Mio papalapit sakin para matanggal ang pagkakakapit ni Kade dito.

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now