Chapter 69: Our Future Decisions

1.6K 21 1
                                    

@@@@@@

Chapter 69

@@@@@@

++MIO++

''Saan mo gustong pumunta?'' tanong sakin ni Kit ng i-start na nito ang motor ng kotse niya.

Nginitian ko ito. ''Ikaw, saan mo gusto?'' balik tanong ko dito.

Nag-smirk si Kit at nagulat ako sa ginawa niya. Ngayon ko lang nakitang nag-smirk si Kit pero bagay na bagay pa rin ito sa kanya. ''Niloloko mo ba ko?''

''Nakikipaglokohan ka ba?'' pang-asar ko ding tanong dito. Inabot ni Kit ang tagiliran ko para kilitiin ako pero mabilis akong nakaiwas.

''Kung hindi lang ako nagdadrive, papatulan kita.'' natatawang banta sakin ni Kit. Binelatan ko lang ito.

Nagkukulitan kami ni Kit sa daan at ng nag-park na si Kit sa tabi ng isang ice-cream shop ay napangiti ako.

Hinawakan agad ni Kit ang kamay ko pagkatapos niyang pagbuksan ako ng pintuan ng kotse.

Nagtutulakan kami at nagtatawanan habang papasok sa loob. Sinalubong kami ng isang waitress na nakasuot ng cute na pink maid costume at inihatid sa isang red mini top-down car, na imbis na may mga upuan lamang ay pinaltan ito ng maliit na lamesa sa gitna ng dalawang maliit na leather seats.

Puno ng maliliit na top-down na kotse-slash-table na iba't ibang kulay ang shop na nagsisilbing tables ng mga costumer. Grass at skies naman ang pintura ng pader kaya parang nasa labas ka talaga at nagdadrive.

Dahil sa suot ng waitress ay naalala ko tuloy yung school festival namin na kinailangan kong magsuot ng maid costume. Nang mga panahong 'yon ay hindi pa kami ni Kit. Parang ang dami dami ng nangyari sa loob ng ten months.

''May I take your order, Sir?''

Napataas ang kilay ko ng magsalita na ang waitress. May kakaiba sa boses niya na parang nang-aakit siya o something, na hindi ko nagustuhan. And excuse me lang ha? Sir lang? Si Kit lang ang oorder?

''I'll have a Strawberry Garden Delight.'' sabi ko sa babae ng nakangiti ng pang-asar. ''Thanks for asking..'' Kita ko sa tabi ng mga mata ko na ngumiti si Kit.

Palihim na umirap ang babae sakin pagkatapos ay nakangiting humarap kay Kit. ''Ikaw, Sir?''

Tsshh, pa-cute pa..

Isinarado ni Kit ang menu at tumingin sa babae. ''I guess I'll have the Coffee Addict Madness. Thank you.''

Nag-bow pa ang pinagpalang babae. ''No problem, Sir. Babalik din po ako agad para dalhin ang order niyo ng pinsan niyo.'' in-emphasize pa nito ang salitang pinsan na nagpakulo ng sobra sa dugo ko bago naglakad palayo na ini-exaggerate ang pagkembot ng bewang.

''Argh..'' napa-buntong hininga na lang ako ng umalis na ang babae. Tinaasan ko naman ng kilay si Kit ng marinig kong tumawa ito.

''What?'' depensa nito habang natawa. ''You're cute when you're jealous..''

Pinigil kong mamula sa sinabi ni Kit at binelatan ko na lang ito. ''Nakakainis lang kasi.. lampas na sa daliri ng kamay at paa ko kung bibilangin natin kung ilang ulit na nangyari ang ganito tuwing magkasama tayo. Pinsan, kapatid, katulong, etc.. Bakit ba hindi pumasok sa kokote nila na baka 'oy, girlfriend niya 'yan'? Ganun ba talaga yun ka-imposibleng mangyari para sa kanila?''

''Sorry..'' nakangising sabi ni Kit. ''Hindi mo naman talaga kasalanang sobrang gwapo ng boyfriend mo. Pasensiya ka na talaga, hal.''

Napanganga ako. ''Wow ha? Kapal lang, hal?'' tatawa-tawa kong sabi. Pero naputol ang tawanan namin ng bumalik na ang waitress dala ang mga ice-cream na in-order namin ni Kit.

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now