Chapter 26.5: Good night, Mio.

2.2K 26 1
                                    

AN:

Nagbago na pala ang isip ko. Haha.

Wala ng Book Two. Dapat kasi meron. Kaso baka tamadin na ko. Hindi ko na magawa.

Isang book na lang ang swak. Kaya pagpasensyahan niyo na kung hahaba 'to ng bonggang bongga..

Keri natin 'to. Haha. :)

Thanks ulit sa lahat ng nagbabasa, nagcocomment, nagvovote, nagrerecommend sa iba at nagfafan..

Sobrang thank u talaga. TT_____TT

Pagagandahin ko pa lalo ang swak sa abot ng aking makakaya para sa inyo. Pasensya na rin kayo kung may mga typos at mali-mali pa minsan minsan..

ARIGATOU GOSAIMAS!!! ^_______^

np: IKnewILovedYou..

enjoy reading! :))

******************

Chapter 26.5

++KIT++

Kakatapos lang ng Eliminations at kasama kami sa top-10 schools na nakapasok para sa Semi-finals bukas..

''Great job, guys!'' puri ni Mrs. Torres. ''Sabi ko na nga ba kayang kaya niyo 'yan e.''

''Ang galing po kasi ni Kuya Kit at Ate Mio..'' sabi naman ni Monica.

''Uy, hindi naman..'' tanggi ni Mio na nagblush pa.

''You two were good too.'' puri ko din kay Denise at Monica.

Namula naman yung dalwa..

Did I say something wrong?

''Oh, magkikita na lang tayo mamayang dinner sa dining hall.'' sabi ni Mrs. Torres. ''Pwede muna kayong maggala-gala dito sa hotel. Andami palang pwedeng gawin dito?'' dagdag ni Ma'am bago ito tuluyang umalis.

''San kaya makapunta?'' mahinang tanong ni Mio. ''Sama kayo? Gala muna tayo?''

''A-ahh, si-CR lang muna kami, Ate. Susunod na lang kami.'' paalam ni Denise.

Naiwan naman ako at si Mio.

Tumingin siya sakin..

Parang nagdadalwang isip pa ito.

''Yayayain mo ba ko, o ano?'' tanong ko.

''Yabang mo naman. Bakit naman kita yayayain?'' sagot pa sakin. Tapos lumakad na siya palayo.

Sumunod naman ako..

Pakiramdam ko kasi kung hindi ko siya susundan e maliligaw 'tong taong ito. Tsk.

Lumingon naman ulit ito.

''O bakit mo ko sinusundan?'' tanong pa nito.

''Hindi kita sinusundan. Dito din yung daan dun sa pupuntahan ko.'' pagdadahilan ko.

Tumalikod na ulit ito at naglakad.

''Hi po!'' biglang may sumulpot na tatlong babae sa harapan ko.

''Pwede pong papicture kasama kayo?'' tanong pa ng isa.

''Crush ka po kasi namin..''

''A-ahh--''

Hindi pa ko nakakasagot pero kumapit na sila sakin at nagpapicture.

Tumingin naman ako sa tinatayuan ni Mio kanina..

Tsk. Wala na siya 'don..

San naman kaya nagpunta ang babaeng 'yun? >________<

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon