Chapter 36: Operation Help Build Orphanage

2.2K 25 0
                                    

@@@@@@@@@@

Chapter 36

++MIO++

Lalalalala.. (^______^)

Ang ganda naman ng umaga ko, haha..

Sabado ngayon, walang pasok. Pero nangako kami ni Tori kay Zaydie at Lee na tutulong ako sa paggawa ng orphanage kaya naman maaga pa rin akong aalis sa bahay..

''San kayo kakain ng lunch, Vi?'' tanong ni Mama ng bumaba na ako.

''Magdadala daw po si Tori ng mga binalot para samin lahat..'' nakangiti kong sagot.

''Ahh, oh sige.. Magdala ka na din nang brownies para may pangdessert kayo.'' sabi pa nito at kumuha ako ng isang kahon sa ref.

Lumabas na ko at nagulat ng makitang nag-iintay si Kit sa labas ng bahay. Ngumiti ito ng tumingin ako..

Ai kilig, kinikilig-kilig-kilig! (O/////O)

''Uy, anong ginagawa mo dito?'' tanong ko sa kanya ng makalapit na ako dito.

Nakasuot ito ng black t-shirt na may printed design, maong pants at itim na tribal na tsinelas. Ngayon ko lang nakita na casual ang suot nito pero kahit na ganon ay mukha pa rin itong model sa magazine.

Ginulo nito ang buhok ko. ''Nakausap ko si Lee kagabi. Nabanggit nga niya na tutulong kayo ni Tori ngayon..''

''S-sasama ka?'' tanong ko.

''Bakit masama?''

''Tssshhh.. Wag mo kong barahin ha?'' sabi ko.

Tumawa ito at ginulo ulit ang buhok ko. ''Sakay na.'' ipinagbukas pa ako nito ng pinto ng kotse.

(Pagdating namin sa orphanage..)

''Sa tingin mo kaya nilang tapusin 'to bago magpasko?'' tanong ko kay Kit ng ipagbukas niya ako ng pinto ng kotse.

Sabagay, buo na naman talaga yung structure ng bahay. Bubong na lang tsaka yung ibang mga finishing..

''Kung tutulungan natin sila..'' nakangiti nitong sabi.

''Tutulong ka din?'' nagulat kong tanong. Akala ko kasi hinatid lang niya ako.

''Bakit masama?'' pambara ulit nito.

''Tssshhh.. paulit-ulit ka ahh.'' naaaburido ko ng sabi sa kanya. Kahit guwapo ka, may karapatan pa din akong mainis.. (>_____

Tumawa ito. ''Ang cute mo kasi kapag naiinis ka..''

Ay grabe, kinikilig ako, haha..

(O//////O)

''Oh, bakit ka namumula?'' tanong pa nito sakin.

Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi. ''Hindi ahh!''

Tumawa ulit ito at tumakbo na ko papasok sa loob.

Napatingin agad si Tori ng pumasok kami..

''Wui, tamang tama dating niyo. Nagtatalo kami kung anong kulay ang ipipintura namin dito sa sitting room..''

Ito namang si Tori kung maka-sitting room. Pwede namang salas na lang..

''Oi di ba maganda blue? Para neutral color?'' tanong ni Lee.

''Hinde!'' kontra ni Zaydie. ''Maganda yellow..''

''No, no, no.. We should color it lavander.'' kontra din ni Tori.

''Why don't we use all the colors and make a mural, then?'' suggestion bigla ni Kit.

''Mural? Dapat medyo pambata yung mural na gawin natin..'' dagdag ko pa.

Sealed With A KissOù les histoires vivent. Découvrez maintenant