Chapter 29: Bad Girls!

2.2K 24 3
                                    

*******************

++MIO++

After ng lunch namin ay bumalik na kami sa mga kwarto para mag-ayos ng mga gamit.

Sabi ni Ma'am dadaan pa daw kaming MOA bago umuwi. Manlilibre daw siya 'don ng dinner.

Grabe no? Puro kainan, haha..

Napatingin naman ako kay Kit habang nag-aayos din ito ng gamit.

O////////O

Mabilis kong inalis ang tingin ko dito ng tumingin din ito sakin.

''Bakit?'' narinig kong tanong ni Kit.

''Ha?'' painosente ko namang sagot.

''Bakit mo ko tinititigan?'' tanong ulit nito.

Humarap naman ako at pinilit magmukhang naguguluhan.

''Hindi kita tinititigan..'' tanggi ko pa.

Ngumiti ito. ''Huli na, tumatanggi pa.'' tatawa-tawa nitong sabi.

Tumalikod na ulit ako at tahimik na tumawa.

Siyempre..

Sino ba namang aamin na may tinititigan siya? Di ba wala naman?

''Mauuna na kong bumaba. Iintayin ko pa yung driver sa baba e.'' sabi ni Kit ng tumayo na ito. ''Make sure na wala kang maiiwan.''

''Opo, Sir.'' sagot ko.

Lumapit naman ito at ginulo ang buhok ko.

''Talaga naman, walang patawad..''

Ngumiti ito at lumabas na ng kwarto. Binilisan ko naman ang pagaayos ng mga gamit ko..

Dinouble check ko din gaya ng sabi ni Boss, para wala nga akong maiwan.

Nang okay na ay hinila ko na ang maleta ko palabas at ini-lock ang pinto.

Sumilip ako kwarto nina Denise at Monica pero mukhang nakababa na rin ang mga ito.

Maglalakad na ko papunta sa elevator ng makasalubong ko 'yung babaeng taga-PIHS.

Ano nga bang pangalan niya?

=_________=

''Just the girl I was looking for.'' sabi nito sakin habang nakataas ang isang kilay.

''Ha? May kailangan ka ba sakin?'' nakangiti ko pa ring tanong kahit na medyo hindi maganda ang pagbati niya sakin.

''Oo meron. Gusto kong layuan mo si Kit.'' nakapamewang na sabi nito.

Ha? Inuutusan ba ko ng babaeng ito?

''Sorry, hindi ko maintindihan kung anong sinasabi mo..'' lalakad na sana ako paalis ng harangin pa ko ng isa pang babae.

''Hindi mo maintindihan? What an idiot!'' pang-asar pang ngumiti ang babaeng ito. ''Hindi na ko nagtataka kung bakit pinipilit mo pa ring ipagsiksikan ang sarili mo kay Kit.''

''Ano bang pinagsasasabi niyo?'' galit ko ng tanong.

Aba, may hangganan ang pasensya ko no! >_________

''We know about your love letter, Mio. At alam din naming sa sobrang kapal ng mukha mo, dahil hindi ka pa rin umiiwas kay Kit kahit na napahiya ka na sa harapan niya at kahit na alam mong hindi ka niya kelan man magugustuhan..''

''Hindi dapat kayo nagsasalita ng mga bagay na hindi niyo naman talaga alam..'' pinilit kong huminahon.

I don't want to stoop down to their level..

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now