Chapter 15: Girl Bestfriends

2.6K 29 0
                                    

11 days before Christmas!

BFF's picture on the right.. ^_____^

Enjoy reading. ;)

****************

Chapter 15

++MIO++

Maaga akong nagising ng Sabado ng umaga..

Mabilis akong naligo at nagayos..

Pagbaba ko naabutan kong nagaayos na ng almusal si Mama.

''Morning, Vi.'' bati sa kanya ng Mama niya. Vi ang tawag nito sa kanya, that stands for Vanessa.

''Morning, Ma.'' naupo ako sa upuan ko at uminom ng tubig.

Muntik ko ng maibuga ang tubig sa bibig ko ng mapansin ko kung sino yung katapat ko. Pinigil ko kaya naman nasamid ako at umubo ng umubo.

Nakangiti sakin si Kit habang sumusubo ng cereals.

''Okay ka lang?'' tanong nito sakin.

Tumango naman ako habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko..

''Pinakain ko na muna si Kit. Maaga pa naman kasi.'' nakangiting paliwanag ni Mama. ''San ba kayo pupunta, iho?''

''Sa resort po nung isa sa mga kaibigan namin..'' magalang na sagot ni Kit.

''Ah, ganun ba? Ikaw na ang bahala kay Mio ha? Hindi yan marunong lumangoy.'' tatawa-tawang sabi ng Mama niya.

''Mama naman..'' kontra niya.

Tumawa naman si Kit. ''Ako na po ang bahala kay Mio..''

O///O

Umiwas siya ng tingin dito.

Nagpaalam na sila at lumabas na sa bahay..

Merong dilaw na kotse na pumarada sa tapat nila at kumaway.

''Hindi mo dadalhin kotse mo, Kit?'' tanong nito.

Pamilyar tong lalaking ito. Kaklase ata namin ito..

Teka, ano daw? May kotse si Kit? E bakit nagcocommute siya?

''Tinatamad akong mag-drive..'' sagot ni Kit.

''Hi Mio!'' nakangiting bati ng lalaki sa kanya.

''Ah.. H-hello.'' sagot ko.

Nakakahiya naman hindi ko siya kilala e kilala niya ko.

''Hindi mo ko kilala? Magkaklase tayo ah..'' parang nagtatampong tanong nito.

''A-ah..'' Nakakahiya! >___<

''He's Lee, Mio..'' pakilala ni Kit. ''Pasensya ka na, hindi yan sanay na hindi siya kilala ng babae. He's the school's Cassanova, after all.''

Ahh! Siya pala yung Charming Cassanova na sinasabi nung mga babae..

''Now I know why you're friends.. You're quite similar.'' narinig niyang sabi ni Lee.

Ha? Ano daw?

''Hop in!'' sabi na nito.

Inalalayan naman siya ni Kit habang sumasakay sa backseat ng kotse..

Gentleman! ^______^

Sumakay naman si Kit sa unahan, sa tabi ni Lee..

''Dadaanan pa natin yung kaibigan ni Mio.'' sabi ni Kit kay Lee.

''Oo naman!'' energetic na energetic na sagot nito.

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now