Chapter 19: I Don't Understand Her

2.4K 34 0
                                    

S.W.A.K. Fact #02

Ang pamilya nina Zaydie ay half-Korean, half-Filipino.

Every other year ay umuuwi sila sa Korea, pag summer, para bisitahin ang lolo at lola na doon na nakatira.

Her parents own a famous clothing company in Korea, kaya bihira lang umuuwi ang mga ito. The company's name is ''The Z Line'', dahil na rin puro Z ang simula ng pangalan ng mga anak nila.

Panganay sa mga Kim si Kim Zero, pangalwa si Kim Zephyr, pangatlo si Kim Zel, pang-apat si Kim Zeff, panglima si Kim Zeik at ang bunso na si Kim Zaydie.

Until next time!

******************

 

Chapter 19

++WYN++

Hinawakan ko ang noo ni Missa..

Nitong mga nakaraang linggo kasi, mukhang namumutla ito.

''B-bakit?'' bulong nito sakin.

Nasa library kasi kami kaya bawal mag-usap ng malakas.

''Tinitingnan ko lang kung may sakit ka. Namumutla ka kasi..'' sabi ko.

''Ahh..''

''Kumain na tayo..'' sabi naman ni Zaydie.

Tumango ako. Medyo nagugutom na nga din ako..

''Sige, mauna na muna kayo. Medyo hindi pa ko nagugutom e.''

Tiningnan namin parehas ng masama ni Zaydie si Missa.

Napangiti naman ito.

''Sabi ko nga, tayo na. Gutom na din naman ako..'' tatawa-tawang sabi ni Missa.

Alam nitong wala siyang laban kung kokontrahin niya kami ni Zaydie..

Pumunta na kami sa cafeteria, pero wala ng bakanteng lamesa.

Buti na lang kumaway si Lee. Kasama niya sa lamesa sina Tori at Kit..

''Pwede bang huwag tayo 'don maupo?'' tanong ni Zaydie.

Pero wala na rin itong nagawa at sumama na rin sa lamesa.

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Kit, pagdating namin.

''Mauuna na ko. May gagawin pa ko sa SC..'' umalis na ito agad.

''May nangyari ba?'' tanong ko kay Lee.

''Don't know.'' sagot naman ito.

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon