Chapter 17: Again and again

2.4K 29 0
                                    

S.W.A.K. Fact #01

Cheska Javier, mentioned on the previous chapter, used to be Tori's bestfriend.

Nagkahiwalay sila after ipahiya ni Cheska si Tori sa isang party, dahil naiinggit siya sa atensiyong nakukuha ng dalaga.

After that, Cheska considered Tori as her archnemesis. At hanggang ngayon ay gusto niyang makuha lahat ng meron si Tori dahil pakiramdam niya ay dapat sa kanya naman talaga ang lahat ng iyon.

Until next time! ^_____^

enjoy reading! +___+

*****************

Chapter 17

++ZAYDIE++

''What are you doing here, Zaydie?'' nakangiting tanong sa kanya ni Lee.

''A-ah.. E-eh..'' nag-isip ako ng maidadahilan. ''Sandali lang ako, pasensya na.''

''You know this rude girl?'' matapobreng sabi ng babae.

Ibinaba na nito ang babasaging pitsel sa lamesa at nakapamewang na ito sa kanya.

''She's a friend, Cheska..'' sagot ni Lee.

Huminga ako ng malalim. Buti na lang friend lang as sinabi ni Lee, para kasing bubuga nang apoy ang babae kung lolokohin niya ito na ako ang girlfriend niya.

Binuksan ko ng kaunti ang pinto at sumilip.

No sign of Harris. Whew..

''Ah, cge.. Pasensya na ha? Nakaabala ata ako, geh, ipagpatuloy nyo na lang yung ginagawa niyo kanina. Bye.'' nakangiti ko na lang sabi at nagmadali na kong lumabas sa kwarto.

Pero hindi pa ko masyadong nakakalayo ay biglang may umakbay sakin.

''Anak ng tupang kalabaw!'' napasigaw ako.

Tawang-tawa naman si Lee.

''Hindi ko nabalitaang nagkaron na ng cross breeding between sa tupa at kalabaw, at nagkaanak na pala sila ngayon?'' pilosopo pa nitong sabi.

''Anong ginagawa mo dito?''

''You didn't have to barge in there, hon.. Dapat sinabi mo na lang sakin kanina na gusto mo kong makasama. Buti na lang wala pa kaming ginagawa nung pumasok ka.'' pilyong ngumiti si Lee.

Ano daw? Wala pa?

Yiiikes. >_____

''Oy, kahit mukha ka ng matanda, umasta ka namang 16 years old, manong.. High school ka pa lang, gusto mong maging Angelito: Ang batang ama?'' paalala niya dito.

Tumawa na naman ito.

''Hoy, hindi ako nagjojoke ha?!'' hinampas ko ang braso niya.

''I know, you're just.. really amusing.'' sabi nito habang nakatingin sa mga mata niya.

Iniiwas niya ang tingin dito.

You can't fall for him, you just can't..

******************

++MIO++

Asan kaya si Zaydie?

Hindi man lang nagsasabi kung saan siya pupunta..

Si Tori kaya?

Naglakad-lakad pa ako.. at nakita ko si Wyn. At mukhang aburido ito sa kausap sa cellphone.

Itatanong ko lang sana kung nakita niya si Zaydie o si Tori pero mukhang binabaan na nito ang kausap..

''Missa, problem?'' maikling tanong nito sa kanya.

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now