Chapter 40.5: First Date-Part 2

1.8K 32 4
                                    

Maikli lang chapter na 'to since .5 na ito ng Chapter 40, haha..

Sana magustuhan niyo.. :))

@@@@@@@@@@

Chapter 40.5

++MIO++

Dinala ko si Kit sa aming hidden hide-out noong elementary pa kami..

Kami lang ni Zaydie ang may alam ng lugar na ito. Sa park kasi, may daan dun sa malalagong damuhan papalapit sa lake. Dito tanaw na tanaw mo ang ganda ng lake at ng mga bundok sa likod nito..

Aksidente namin 'tong nakita ni Zaydie ng magtaob ako sa damuhan dahil sa pagkalampa ko.

Pinanood ko ang itsura ni Kit habang nakatanaw sa lake. Parang ganyan din ang itsura ko 'non..

Amazed na amazed. (^____^)

Ang ganda kasi talaga ng view dito.

Nagkalkal ako sa mga pinamili namin at hinanap ang V-cut ko.

Yum, yum, yum..

Binuksan ko na agad at kumuha ako ng isang piraso at isinubo.

Napatingin naman sakin si Kit dahil sa tunog nung balat. ''Dapat nagtinapay ka muna..''

Inisnab ko lang ito at nagpatuloy ako sa pagkain.

*chump* *chump*

Umupo sa tabi ko si Kit at kinuha yung binili niyang chopped fruits at binuksan ito..

Kumuha din ito ng toothpick at ginamit iyon pangtusok nung mga prutas..

''Juscho mow?'' pag-aalok ko kay Kit ng V-cut. Baka kasi gusto niyang i-try..

''Don't talk when your mouth is full..'' paalala nito sakin na para akong bata.

''Tssshhh.. Chupwado.'' bulong ko. Sabi ko suplado..

''Ha?'' tanong sakin nito.

Hindi ako umimik at ipinagpatuloy ang pagkain.

Natahimik kami saglit.

''Masarap ba yan?'' tanong ulit nito na hindi ko pinansin.

(=_____=)

''Uy.. patikim nga.'' sabi nito.

Tiningnan ko si Kit ng masama. ''Isa lang ha?''

''Oo nga, titikim lang naman. Damot..'' sabi pa nito.

Nag-aalok nga ako kanina e! Di mo lang ako pinapansin tapos ako pa madamot..

Inabot ko kay Kit yung V-cut. Parang nagdalwang isip pa ito bago sumubo.. at sumubo.. at sumubo ng sumubo ng sumubo!

''HOY, AKIN YAN!'' tinangka kong hablutin yung V-cut pero iniwas niya yun sakin.

''Mashama cho sha kalushugan..''

''Ha?!'' tanong ko habang nanguya si Kit.

''Sabi ko masama 'to sayo..''

''E bakit ikaw nakain!'' Tsshh. Mangaagaw ng V-cut!

''Una ko pa lang kain nito. Hindi pa ito kaagad makakaapekto sakin. E ikaw, marami ka ng nakain kaya dapat hindi ka na kumakain nito. Kaya akin na ito at itong fruits ang kainin mo.. healthy yan.'' mahabang litanya ni Kit habang tuloy pa rin sa pagubos ng V-cut ko.

Tiningnan ko yung mga prutas sa styrofoam at sinaksak ko ng toothpick yung apple at isinubo. Nag-side glance naman ako kay Kit na unti-unti ng inuubos yung V-cut ko.. (TT_____TT)

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon