Chapter 58: A Plan Gone Wrong

1.6K 22 1
                                    

ginanahan ulit akong mgupdate dhil sa support ng mga readers ko.. :D

I love you all very much.. :3

OPO, mlapit na pong matapos ang swak. sana po after ng swak try nyu ring i-read ung ibang mga stories ko. :)

this chap is for silent readers.. oh ha? may dedication kau. haha. peo sana once in a while mgprmdam din kau sakin. arigatou. (^__^)

@@@@@

Chapter 58

++KADE++

Tumingin ako sa orasan. In a few minutes i-aannounce na ni Lolo ang desisyon niya..

Ipapakilala na niya si Kit at hindi namin inaasahan na babawiin na rin pala nito ang enggagement namin ni Cheska para i-announce naman ang enggagement nito kay Kit.

Dahil na rin sa sakit sa puso ni Lolo, hindi namin masisimulan ang plano ngayon at kailangan munang mag-go-with-the-flow si Kit sa mga mangyayari ngayong gabi kahit ayaw niya.

Delikado kasi. Hindi ito ang lugar at oras para sa gagawin namin. Baka malagay pa sa peligro ang kalusugan ni Lolo at baka pumalpak pa ang plano namin.

At ayaw naman naming mangyari yon..

Napatingin ako kay Kit na pabalikbalik na naglalakad hawak ang cellphone niya sa tenga.

''I can't contact her..'' parang nagpapanic na nitong sabi. ''Damn! Kung alam ko lang na-iaannounce na rin ni Lolo ang tungkol sa enggagement na yan, e di sana hindi na lang ako umattend!''

''Just call Mio after the announcement.'' pagsusuggest ko. ''Wala na tayong magagawa to stop the announcement..''

Nakita ko namang naihilamos ni Kit ang palad sa mukha sa sobrang pag-kainis.

''Hindi ko pwedeng gawin 'yun. Televised ang announcement. I'm sure mababalita din 'to kaagad. Ayokong sa iba pa niya malaman. Siguradong-- Madaling masaktan si Mio. Iyakin yun. At ayokong umiyak siya dahil dito. She's.. She's very.. fragile.'' napatigil si Kit at naisuklay ang kamay sa buhok nito sa sobrang pagkatense at pagkainis.

''Argh! Dapat ipinaliwanag ko na sa kanya para hindi ganito. Baka mamisunderstood niya ang mga mangyayari.'' dagdag nito.

Napatigil kaming dalwa ng marinig namin ang palakpakan. Ibig sabihin 'non ay tinatawag na si Kit ni Lolo sa stage.

''Shit!'' sigaw ni Kit sabay suntok sa pader. ''Damn. Hindi niya talaga sinasagot.''

''Kit, relax. Give me your phone, I'll contact Mio. Umakyat ka na muna sa stage.'' iniabot nito sakin ang cellphone.

''Shit!'' sigaw na naman nito bago tuluyang umakyat sa stage.

Alam kong hindi ito ang tamang oras pero napangiti ako. Ngayon ko lang kasing nakitang ganito si Kit.

It just goes to show na seryoso talaga siya at mahal na mahal niya si Mio dahil ayaw niya itong masaktan sa mga mangyayari.

Sana lang matapos na ang lahat ng ito.

They deserve to be happy..

Sumilip ako mula sa likod ng stage ng marinig na nagpapalakpakan na ang mga tao sa announcement ni Lolo.

Nagsalubong naman ang kilay ko ng sumunod na umakyat si Cheska kasama ang tatay nito para i-announce na ang enggagement.

Kitang-kita ko din sa mukha ni Mom, Tita Min at Tito George na tutol sila sa mga nagaganap pero wala silang magawa.

Wala din silang magawa, gaya namin ni Kit..

Kita ko ang pagkainis sa mukha ni Kit habang si Cheska ay ngiting-ngiti pa at nagpopose ng sweet kay Kit para sa camera.

Sealed With A Kissजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें