Chapter 54: HAL ko.. <3

1.8K 26 3
                                    

@@@@@@@@@@

Chapter 54

++MIO++

Napangiti ako ng mukha ni Kit ang unang nakita ko paggising ko.

Ngiti din ang isinalubong niya sakin. ''Good morning, hal..''

''Good morning din.'' napansin kong inayos niya na ang pinaghigaan niya sa sofa ko.

Napakagentleman talaga ng boyfriend. Sa sofa na lang siya natulog kahit medyo maliit at sikip siya dun. Naaawa nga ako eh. Ayaw namang papilit.

(O/////O)

Nagulat ako ng bigla niya akong binigyan ng kiss sa noo, tapos sa magkabilang pisngi, at sa ilong.

''Date tayo, hal?''

''San tayo pupunta?'' tanong ko.

''Basta. Ikaw na muna mauna maligo.'' humalik pa ulit ito sa ilong ko bago ako nito tinulungang tumayo.

Date daw, haha. Excited na ko..

(^____^)V

@@@@@@@@@@

*toc toc toc*

''Hal?'' kumatok na naman si Kit mula sa labas.

(>////<)

Hindi ko naman iwasang kiligin pag tinatawag niya kong Hal. Shortcut namin sa mahal, at endearment namin sa isa't isa.

''Saglit lang, h-hal.'' sagot ko naman na kinakabahan. Di pa kasi ako sanay na may tawagan kami, hehe. ''Malapit na 'to..''

Naglagay lang ako ng konting lipgloss at isinuot na ang white lace headband ko na may ribbon, na katerno ng regalo kong cute na white couple shirt kay Kit.

Syempre suot suot ko din yung regalo sakin ni Kit na sun necklace. Nakamaong skinny jeans at white metallic wedges na din ako.

Okay na kayo 'to? Umikot pa ko ulit sa full body mirror ng isa pang beses.

Pinihit ko na ang doorknob ng pinto at nagulat ng mukha kaagad ni Kit ang sumalubong sakin.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos lumapit siya sa may tenga ko at bumulong. ''You're really beautiful, hal..''

Kinilabutan ako sa sobrang kilig at parang may mga paru-paro na namang naglililipad sa tiyan ko.

Lumusot ako sa pagkakaharang niya para hindi niya mapansin ang pamumula ng pisngi ko, pero hinarap niya ulit ako at binigyan ng mabilis na halik sa pisngi bago tuluyang pumasok sa banyo, para naman siya ang maligo.

(O////O)>

Naiwan akong nakatulala at nakahawak sa pisngi kong hinalikan ni Kit.

Nakakailan na ang lalaking yun ahh. Haha. Kanina pa siyang maga eh. Adik na sa kiss?

Fudge! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang boyfriend ko na si Kit..

Kami na?

Kami na?

Kami na talaga?

Kami na..

KAMI NA! :3

YIIEEEEE! KINIKILIG PA DIN AKO! Hahaha..

Sorry nemen. Imagine. Pinapangarap ko lang 'to dati, ngayon totoo na..

(^____^)

Nakaupo lang ako sa kama at hindi namalayan na nakalabas na din pala si Kit sa banyo..

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now