Chapter 54.5: In a Relationship

1.6K 24 5
                                    

I'd like to dedicate this chapter to @AmaaddictsaWatty!

Hello! Kaparehas ko din kasi siyang supporter ng KhuNa = (Nickhun/Kit + Yoona/Mio)! ;)

Thanks talaga sa mga wonderful comments at sa pagiging active reader.. mwah! :3

@@@@@@@@@@

Chapter 54.5

++MIO++

Pinunasan ko ng towel si Kit pagkababa namin sa Jungle Log Jam. Hinawakan naman nito ang kamay ko para pigilan ako.

''Wait! Para may souvenir!'' kinuha nito ang camera at nagpicture kami with our wet look.

Tawa ako ng tawa kasi ang haggard namin parehas. Pero kahit ganon, ang hot pa din ng hal ko. Hahaha.

Naghiwalay muna kami sa CR para magpalit ng pang-itaas. Nag-ayos na din ako para naman hindi na ko haggardness.

Paglabas ko, andun na si Kit at naghihintay. Ngumiti ito ng papalapit ako at hinawakan nito ang kamay ko.

''Uuwi na tayo?'' tanong ko dahil madilim na rin at medyo pagod na ko.

''Meron pa tayong last na sasakyan, hal..'' sagot nito at naglakad na kami papunta sa Merry-Go-Round.

Agad namang nagliwanag ang mukha ko at may sumilay na ngiti sa mga labi ko..

Pumila kami ni Kit at agad na nakasakay. Ang ganda ganda ng view ng buong Enchanted. Nakakawala ng antok at pagod.

Magkahawak kamay pa rin kami ni Kit habang tinatanaw ang napakagandang view sa harapan namin.

''Mio..'' bigla akong tinawag ni Kit at nilingon ko naman siya. ''Promise me one thing.''

''Ano yun?''

''Promise me you won't stop loving me..''

Ngumiti naman ako. ''I promise.''

Ngumiti din si Kit na parang gumaan ang pakiramdam nito.

Ang saya saya ko ngayon. Sa sobrang saya bigla din akong natakot..

Kasi diba sabi nila, cycle lang daw ang buhay?

Kapag malungkot ka ngayon, darating din ang araw na sasaya ka.

At pagkamasaya ka ngayon, hindi mo din mapipigilan ang pagdating ng araw na malulungkot ka ulit..

@@@@@

11:30 na ng makarating kami ni Kit sa bahay..

Tulog na sina Mama kaya hindi na lang namin sila ginising dahil may susi din naman ako ng bahay.

Dumiretso na kami ni Kit sa kwarto. Naghahanda na siya ng pantulog niya ng lumabas ako sa CR ng naka-pajamas na.

Nauna na kong mahiga dahil akala ko makakatulog din ako agad pero hindi pa pala..

Yun bang kahit pagod na pagod ka na, ayaw kang dalawin ng antok at parang hyper na hyper ka pa rin?

Bumangon ako at binuksan na lang ang computer ko. Makapag-upload na lang muna ng pictures sa fb.

*evil grin*

Haha. Siguradong madaming maiinggit na mga babae pag nakita nila ang pictures namin ni Kit.

Bigla akong napatingin sa Relationship status ko. Single pa rin kasi ang nakalagay..

Pinaltan ko ito ng In a relationship. Hinahanap ko ang fb ni Kit ng lumabas ito sa banyo.

Lumapit naman ito sakin dala-dala ang isa pang maliit na upuan, at dun pumwesto sa likod ko.

Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at niyapos ang bewang ko..

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now