Chapter 30: Maid Cafe?!

2.1K 25 0
                                    

SWAK Fact #05

MV ang tawag nila sa nakababatang kapatid ni Mio dahil idineklara nito ito dati sa kanyang mga magulang at kay Mio.

Sa kadahilanang, ayaw niya ng pangalang - Miomer.. ^_________^

Until next time!

enjoy reading.. :))

*******************

Chapter 30

++ZAYDIE++

''Whoohoo!!!'' pinaghahampas ko na parang drums ang harapan ng desk ni Mio.

''Hyper na hyper ka na naman..'' sabi ni Mio, habang ibinabalik nito ang notebook sa bag.

''November na kaya..''

''O?''

Kakabalik lang namin sa school mula sa short-break dahil sa All-Souls at All-Saints Day, pero parang walang kagana-ganang pumasok itong si Mio..

''Malapit na kaya ang School Festival..'' paalala ko dito.

''O?''

''O ka ng o..'' saway ko dito. ''May homeroom meeting nga tayo kung anong gagawin natin para sa school festival, di ba?''

''Ahh, may meeting pala tayo?''

Kumunot ng awtomatiko ang kilay ko. Kung hindi ko lang bestfriend ang babaeng 'to, matagal ko na 'tong nabatukan.. >________

''Ano ba talagang nangyari sa inyo dun sa contest na 'yun? Nag-champion nga kayo, pero pagbalik mo dito para ka namang namatayan.

''Wala..'' walang kagagana-ganang sagot nito sakin.

Tssshhh..

Ang hirap paaminin ng babaeng ito! Sabi din nung reliable source ko, SI TORI, hindi din daw niya mapaamin si Kit sa mga nangyari sa kanila dun sa Manila..

Pero I'm sure, may nangyari..

''Okay, classmates. Magsiupo muna kayo.'' sigaw ng class president namin na si Fred.

''Mag-nonomination tayo kung anong gusto niyong gawin ng klase natin para sa School Festival this year.'' dagdag nito. ''Nung isang araw, nagfinalize na tayo ng mga pagpipilian. Ngayon, magbobotohan na tayo..''

''Ang tatlong pagpipilian.. Haunted House--''

Nagbulungan ang buong klase namin.

''Movie House--''

Napabuntong-hininga ako.

Last year, ito ang ginawa namin..Para sa klase naming tamad. Walang gagawin kundi magsalang ng cd sa dvd at i-play ito sa projector..

''At.. Maid Cafe.''

Lalong lumakas ang bulungan ng buong klase, lalo na ng mga lalaki.

Nagtaas naman ako ng kamay..

''Maid Cafe?'' tanong ko kay Fred.

''Ang mga babae nating kaklase ay magbibihis ng mga cute maid costumes at magsisilbing waitress sa Cafe natin, siyempre tayong mga lalaki ang bahala sa pagpeprepare ng mga pagkain sa Menu..'' paliwanag ni Fred.

Naghiyawan ang mga kaklase naming lalaki na mas malaki ang population sa mga babae sa klase namin.

Uminit ang ulo ko. Naiisip ko pa lang na pagsusuutin ako ng ganung costume, parang makakapagbuga na ako ng apoy..

''Sino namang sira-ulong nag-suggest 'non?!'' galit kong tanong.

Nagyukuan bigla ang mga kaklaseng lalaki namin..

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon