Chapter 55: It's You

1.7K 20 1
                                    

aish. naiinis ako sa sarili ko, haha. andami kong on-going stories, pero pinaka regular ang update ko dito sa swak kasi feeling ko matatapos na 'to. ilang chaps to go na lang..

please also check out my other oh-so fabulous stories:

--A Love Story With My Arch Nemesis: anime-style love story po ito. SA ang aking inspiration.

--When She Died: short story at completed na po. sana you'll be inspired after reading this.

--ASC Series: sobrang ho-HOT ng mga guys dito at iba-iba ang mga love stories kada installment. btw, malapit na pong matapos ang first installment na ASC Series: Ark Sielle.

or you can check out my profile and see my works, promise, pinagbubuti ko po ang pagsusulat!

haha, sana i-try nyung basahin yung ibang stories ko ha? aasahan ko kau ha? thank you! :)

@@@@@@@@@@

Chapter 55

++KADE++

''Don't let that boy take what's really yours, son. Hindi dapat sa kanya lang mapunta ang lahat lahat ng pinaghirapan natin all these years.'' pagpapatuloy ni Mama.

Binitawan ko ang hawak kong kutsara. ''Mom, can we just eat breakfast without talking about that successor thing.''

''But, Kade. Matagal na nating naplano ang pagtake-over mo sa kompanya ng Lolo mo, then suddenly bigla na lang dadating ang Kit na 'yan--''

''Please mom..''

''I'm going to talk to the board members, baka makadagdag yun sa--''

Tumayo na ako na lumikha ng malakas na ingay sa loob ng dining room namin.

''You're done eating, anak?'' tanong ni Papa na ngayon lang nagsalita.

''Actually, Pa, hindi pa. Pero wala na rin naman akong gana.''

Naglakad na ko palabas at dumiretso sa itim kong kotse na nagiintay na sakin pagkababa ko sa mataas na hagdan.

I don't want to be rude. I respect my parents and I love them..

But I'm just so sick na tuwing kakausapin ako ni Mama ay tungkol sa tagapagmana ni Lolo.

And of course, galit si Mama kay Kit. Kasi before he came, ako na talaga ang tagapagmana ni Lolo, whether he likes it or not.

Pero ng magpakita ulit ang pamilya nina Kit nung nagkaroon ng malubhang sakit si Lolo, nagsimula na ang lahat ng ito.

Anong nararamdaman ko?

Actually wala..

Ever since hindi ko ginustong maging tagapagmana ni Lolo. Alam naman nila yun. Ginagawa ko lang ang mga 'yun dati, 'cause I felt like it was my responsibility to do so..

At ngayong may tao ng pwedeng pumalit sa pwestong kinatatayuan ko, would I easily give it away?

Why not? But I need to be assured of something first.

I smiled.

I actually have a plan. And a very good one..

@@@@@

++MIO++

''Gusto mo ba samahan kita sa airport, hal?'' tanong ko kay Kit.

''Huwag na, hal. Pagkagaling kasi sa airport baka dumiretso na din kami sa mga kamag-anak namin.'' sagot ni Kit.

''Mag-iingat kayo ha, Kit?'' paalala ni Papa.

''Opo, salamat po talaga, Tito, Tita- MV.''

''Walang anu man yun, welcome ka dito kahit kaylan. At tsaka wag ng Tito at Tita. Mama at Papa na din ang itawag mo samin. Basta ba bibigyan nyu lang kami ni Vi ng maraming apo pag kasal na kayo.'' tatawa-tawang sabi ni Mama.

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon