Chapter 26: Contest-First day!

2.3K 30 1
                                    

This chapter is for marieann.. :))

Thanks sa pagbasa ng swak kahit na nung una hindi mu pa alam na ako si sL. arigatou! ^_____^

---mariaKristinaFalse

*****************

Chapter 26

++MIO++

4:45a.m.

Laguna National Science

High School, Parking Lot..

Ahh, grabe!!!

Gising na gising na ko kahit magfafive pa lang ng maga..

Andito na kami sa skul. Inaantay lang namin yung bus, malapit na daw..

Nakilala ko na yung dalawa pa naming kasama ni Kit. Si Denise, ang second year representative, at si Monica, first year representative.

Parehas silang mabait at parehas nilang super-crush si Kit..

Nakakatuwa pati, Ate parehas ang tawag nila sakin. Parehas pa silang kawaii.. ^________^

Ayan, dumating na yung bus na sasakyan namin..

Mauna ng makasakay! Hehe.

Nauna na kong sumakay. Sa may parteng gitna. Dalwahan kasi yung upuan, dun ako sa may tabi ng bintana umupo. Nilagay ko yung gamit ko dun sa upuan sa tabi ko.

Magkausap pa yung driver, si Mrs. Torres at si Kit..

Si Monica at Denise sa katapat kong side umupo. Magkatabi yung dalawa, magbestfriend na agad.

Haha. Sayang di kasama si Zays at Tori. Kakamiss sila. Matagal na rin kaming hindi nakakapagbonding-bonding..

Nauna ng sumakay si Mrs. Torres. Sa unahan siya sumakay. Kasunod naman si Kit.

Nakatingin talaga ako no? Hehe.

Dirediretso lang ito papasok. Tapos tumigil dun sa tapat ko..

Inilagay niya sa taas yung dala nyang travelling bag tapos kinuha din yung bag ko at inilagay din sa taas.

''Oh?'' protesta ko.

''Bakit?'' tanong nito pagkaupo sa tabi ko.

''Andami dami pang upuan, ba't dyan ka pa umupo?''

''Dito ko gusto e..'' pilosopong sagot sakin ng magaling na lalaki sabay sandal.

''Ayiiieeee.'' kantsaw nina Denise at Monica na pinapanood kami.

Sus!

Pumaling na lang ako sa bintana..

Di ako mapakaling katabi si Kit ay!

Hindi komportable.. >_____<

Samantalang siya, pangiti-ngiti pa sakin.

7:25 a.m.

Parking Lot ng Hotel

Andito na kami?!

''Guys, andito na tayo!'' sigaw ni Mrs. Torres.

O_______O

Napabalikwas ako ng upo.

Hala, andito na kami? Nakatulog ako?

''Oh, isa-isa lang ang baba. Double check your things. Baka may maiwan kayo sa bus..'' paalala pa ni Ma'am.

''Tsk. Nangangalay ang balikat ko.'' sabi ni Kit ng tumayo na ito at iabot sakin ang bag ko.

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now