Chapter 5: Heartbreak

3.3K 42 0
                                    

**********
Chapter 5
**********

Nagtaklob si Mio ng kumot. Pakiramdam kasi niya ay safe siya sa loob noon.

Masakit ba?

Mas masakit pa sa mga sugat na nagmamarka!

Kung meron man siyang inaasahang reaksiyon mula kay Kit ay hindi ito 'yon..

Mas mabuti pa nga na harap-harapan siyang i-turn down nito, mas matatanggap pa niya..

Pero yung ganon na hindi man lang siya pansinin nito kahit na napahiya na siya sa harap ng lahat ng tao?!

Tumuloy lang siya sa pag-iyak..

Galit na galit siya..

Galit siya sa Hari ng mga tsonggong iyon..

Galit siya kay Kit..

At higit sa lahat, galit siya sa sarili niya.

Bakit pa kasi siya umasa-asa pang magugustuhan din siya ni Kit?

Bakit hindi na lang siya nakinig kay Zaydie?

*Sniff*

*Sniff*

Ang TANGA mo nga MIO!

May kumakatok sa kwarto niya pero hindi niya pinansin ito..

Nagkunwari siyang tulog.

''Mio, anak?'' tawag sa kanya ng Mama niya. ''Hindi ka ba papasok?''

Hindi siya umimik..

Ayaw niyang makita siya ng Mama niya na ganon. Nakakaawa..

''Sige, pag nagugutom ka na.. may pagkain sa baba ha?'' sabi pa ng Mama niya bago ito umalis.

Nang makasigurado siyang bumaba na ang Mama niya ay tsaka niya pinakawalan ang pinipigilang paghagulhol..

Iiyak lang siya ng iiyak kahit pumugto na ang mata niya..

Pero pangako niya sa sarili, pagkatapos nito.. titigilan na niya ang kahibangan kay Skitter Jansen..

At hinding-hindi na ulit siya magpapaapi pa ulit kahit kanino..

***

Gaya ng ibang mga araw, maraming tao sa cafeteria..

Pero hindi niya alam kung bakit he feels sort of restless..

''Bro! Head's up!'' sigaw sa kanya ni Lee ng ihagis sa kanya nito ang isang green apple.

Walang kahirap-hirap niya itong nasalo gamit lang ang isang kamay.

''Nice!'' sabi ni Lee at naupo na ito sa tabi niya.

Tumingin siya sa paligid..

Bakit parang may hinahanap siya?

''Looking for someone?'' tanong naman sa kanya ni Wyn na nakaupo sa tapat niya.

Umiling siya..

''I feel bad for her..'' narinig niyang sabi ni Tori-- short for Victoria, na kasama nila sa table.

Nilingon niya ito. ''For who?'' tanong niya dito.

''Grabe ka, 'bro..'' sabi ka sa kanya ni Lee. ''Meron kang PUSONG BATO..'' sabi nito ng tatawa-tawa.

Tiningnanan naman niys ito mg masama. ''I don't know what you're talking about..'' sagot niya sabay kagat sa green apple.

''You know, Kit.. about that funny incident yesterday.'' sabi ulit ni Lee.

''There's nothing funny about it, Lee.'' sagot namanbagad ni Tori. ''I really hate that Harris guy.. Dinamay pa niya yung third year..''

''That girl's cute..'' komento ni Wyn na ikinagulat nilang lahat.

Cute? Sino?

''Oo nga, super cute.. Bakit kaya ngayon ko lang siya napansin?'' pilyong ngumiti si Lee.

Are they talking about that girl? Yung stalker niya?

Tumingin ulit siya sa paligid ng cafeteria..

''She's not here..'' sabi ni Wyn na parang nabasa ang iniisip niya.

''You can't blame her..'' depensa ni Tori na nakakunot ang noo. Tumingim ito sa kanya na parang may sasabihin pa, nagdalwang isip, at kinagat na lang ang ilalim na parte ng labi niya na parang pinipigilan ang sariling magsalita.

Kumagat na lang ulit siya sa apple..

What?

Hindi niya alam kung ano, but there's something about that girl. He shouldn't be feeling guilty right?

I mean, wala naman siyang kasalanan. Kung sa babae nga talaga ang sulat na iyon, at balak niya iyong ibigay kay Kit, sooner or later ay mapapahiya din ito.

Hay. Why is he even entertaining this thought?

He had better things to do.

Tumunog ang cellphone niya at kinuha niya ito sa bulsa. Agad naman niyang sinagot ng makita kung sino ang tumatawag. Napatingin agad ang mga kasama niya sa lamesa.

''Hello?"


***

''Panget!'' sigaw sa kanya ng sutil niyang kapatid mula sa labas ng kwarto niya. ''Panget!''

Pasalamat na lang itong batang 'to, broken hearted siya, kundi ay napatulan na niya ito..

''Miong Panget!!!'' sigaw pa ulit nito with matching hampas pa sa pinto niya.

Ignore it, Mio.

Huwag mo na munang patulan, ituloy mo na lang muna itong pagsesenti mode mo..

''Panget si Mio! Panget si Mio!''

Grrrrr..

"Panget! Panget! Panget!"

Nagulat na lang siya ng tumahimik ulit ito bigla. Whew.. Back to emo mode.

Iyak lang ulit..

''Kaya hindi siya magustuhan ng CRUSH niya, kasi PAAAAAANGGEEETTT SIYA!!!!''

THAT'S IT!

Agad siyang bumalikwas sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.

''SINONG PANGET HA?!'' sigaw niya dito.

Mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo ang kapatid niya pababa habang sumisigaw pa rin ng Panget chant niya..

GRABE!

''HUWAG KA LANG MAGPAPAHULI SAKING BATA KA!!!'' sigaw niya habang pababa sa hagdan. ''MATA MO LANG ANG--''

Napatigil siya sa pagsigaw..

Namamalikmata ba siya?!



***
Haha, pambitin lang..

Thanks sa mga nagreread at nagvovote.. :)

COMMENT kayo ha?

Si Victoria Klaid ang nasa picture.. :)

Stay tuned for the next chapters..

Thank you so much!

--Luna. <3

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now