Chapter 62: Under a lot of STRESS

1.5K 21 3
                                    

@@@@@

Chapter 62

++KIT++

''Sir, dito na po tayo..'' itinuro ako ng secretary ni Lolo sa nakabukas na elevator sa tapat namin.

Andito ako ngayon sa textile company namin kung saan ako inililibot sa lahat ng sulok ng kompanya..

Nakakatuwang makilala ang mga nagtatrabaho at bumubuo sa kompanya. Ramdam ko ang suporta nila sakin kahit hindi ko pa napapatunayan ang sarili ko na karapatdapat akong pamunuan sila.

Tumingin ako sa wristwatch na regalo sakin ni Mio. It's already seven in the evening.

Akala ko buong umaga lang ako aabsent, pero nung magtatanghali na, tinawagan ako ni Lolo para samahang maglunch ang mga board members, at ng hapon na nag-offer si Lolo na i-tour ako sa buong kompanya na ngayon nga ay inabot na hanggang gabi.

''Don't worry, Sir.. patapos na po ang tour. Dun na po tayo sa executive floor, dun po ang office ng Chairman at ang office niyo po na under-renovation.'' nakangiting sabi sakin nito habang nag-iintay kami sa pagbukas ng elevator. Mukhang nabasa nito ang itsura ng mukha ko kaya napangiti din ako.

Mabuti naman kung ganun.. Mukhang aabot pa ko sa hapunan kina Mio..

Namimiss ko na talaga ang hal ko. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita at parang mababaliw na ko. Haha. Iba talaga ang tama ko..

Mabilis nga lang natapos ang tour sa executive floor. Hinilot ko ang leeg ko pagkapaalam sakin ng secretary ni Lolo at dali-dali ng lumabas sa kompanya.

Sa wakas, pauwi na rin ako. Itetext ko na sana si Mio na pupunta ako sa kanila ng mag-ring ang cellphone ko.

''Hello?''

[Iho? Ang lolo mo ito..]

''Ahh, hello po lolo.'' bati ko habang iniintay ang pagbukas ng elevator.

[Kamusta ang tour niyo ni Evie?]

''Okay naman po, pauwi na nga po ako ngayon--''

[Tamang-tama, dito ka na mag-dinner sa bahay.]

Napakamot ako sa ulo pagkaupo ko sa likod ng manibela. ''Ahh, ano po kasi.. pupunta po kasi ako--''

[Sige na, iho. Andito rin kasi si Kade at hinahanap ka din niya. Siya pa nga ang nagsabing saluhan mo kami dito. May dapat daw tayong pagusaan..]

Si Kade? Ito na ba yung sinasabi niya? Huminga ako ng malalim at ini-start ko na ang kotse ko. Ito na nga siguro 'yun..

''Sige po, lolo. May dadaanan lang po ako saglit.''

[Sige, iho. Aantayin ka namin.]

Huminga ulit ako ng malalim bago nag-dial ulit sa cellphone ko.

[Hal?]

Napangiti agad ako ng marinig ang boses ni Mio sa kabilang linya. Marinig ko pa lang ang boses niya sumasaya na ako. ''Hal..''

[Oh bakit? May nangyari ba?] na-aalala na nitong tanong. Napailing ako. Nakalimutan kong hindi nga pala niya ako kita.

''Wala.. pero kakaunin kita diyan ngayon. May pupuntahan tayo.''

[San tayo pupunta?] nagtatakang tanong nito sakin.

''Kakausapin na natin si Lolo..''

Nag-aantay ako ng sasabihin niya ng biglang natahimik sa kabilang linya. Alam kong kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya. ''Hal, huwag kang mag-alala. Everything would be fine.''

Narinig kong huminga ito ng malalim sa kabilang linya. [Okay, hal. Magbibihis lang ako..]

@@@@@

Isinarado ni Mio ang pinto pagkasakay sa kotse. Pinagmasdan ko ito sandali. Kulay pink ang dress na suot nito at nakatali ng mataas ang mahabang buhok nito.

''Bakit hal? Pangit ba? Bigay ni Tori 'tong damit, hindi ba bagay sakin? Mukha ba kong ewan? Makapal ba masyado yung make-up ko? Lipgloss lang naman--''

Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito at ngumiti. ''Hal, relax. You look amazing. Beautiful like always..''

Kitang-kita ko ang pagblush ni Mio na lalong nagpaganda sa kanya. ''Ehh, binobola mo lang ako eh..''

Napatawa naman ako. ''Hal, di ako marunong mambola--''

Nagulat ako ng bigla na lang akong yapusin ni Mio ng mahigpit. ''Na-miss kita, hal..'' Hinigpitan ko din ang yakap sa kanya.

''Namiss din kita, hal. Sobra..'' Kung alam mo lang kung gano ka-sobra..

Isiniksik ko ang mukha ko sa may leeg niya at naamoy ko ang bubblegum scent ng pabango ni Mio na palagi niyang ginagamit at palaging nakakapagpaalala sakin sa kanya.

Hinalikan ko siya sa pisngi ng bumitaw na ito sa pagkakayakap sakin. ''Is that Adobo?'' nakangiti ko ng tanong kay Mio ng maamoy ko ang ulam na nanggaling sa paperbag na dala ni Mio ng pumasok siya.

Nahihiyang tumango si Mio. ''Para sa lolo mo..''

Ngumiti ako habang nagstastart ng motor ng kotse. ''Actually hal, that's Lolo's favorite.''

Bakit ba ko nag-aalala. Nothing can go wrong.. Not when I'm with Mio.

@@@@@

++KADE++

*ding-dong* *ding-dong*

Huminga ako ng malalim. Mukhang andiyan na sina Kit. At alam kong kasama na nito si Mio. It's time to tell the truth..

Tiningnan ko si Lolo. Nakangiti ito habang nagbabasa ng diyaryo. Sinigurado kong okay ang check up kay lolo kanina para hindi makaapekto ang sakit nito sa paguusapan namin mamaya.

''Finally, you're here..'' Itiniklop ni Lolo ang diyaryo at tumingin sa pumasok sa pinto.

Tatayo na ko para batiin sina Kit at Mio ng manlaki ang mata ko ng iba ang nakita kong pumasok sa pinto.

''Cheska?'' parang nanuyo ang lalamunan ko ng tawagin sa pangalan ang bagong dating.

Nag-smirk ito sakin bago ako lagpasan para makipagbeso kay Lolo. ''Hi, Lolo. Good evening po.''

Pa-sweet at malambing ang pagkakabati nito, but I knew better..

''What are you doing here?'' hindi ko na napigilan ang pagkainis sa boses ko.

''Kade, don't be rude. I invited Cheska since kasama nating magdidinner si Kit.'' nakangiting sagot ni Lolo.

''But--'' magpoprotesta pa sana ako ng biglang may pumasok ulit sa sitting room.

This time, si Kit na ito at si Mio.

Halata ang pagkagulat sa mukha ni Kit ng makitang andun si Cheska. That was not part of the plan. Tumingin ito sakin at mukhang nag-aalala.

Samantalang ako naman ay nagpapalipat-lipat ng tingin kay Mio na nakatingin sa nakangiting si Cheska, at kay Lolo na nakangiti pa rin at nag-iintay na ipakilala sa kanya ni Kit ang kasama.

Napalunok ako..

This is certainly not what I had planned for tonight.

@@@@@

working on the next update. Hoo! Fighting! haha..

Ano kayang mangyayari sa dinner na pinlano ni Kade? Masabi na nga ba nila ang totoo sa Lolo nila o mapipigilan sila ni Cheska? Wat do u think pipz? :D

VOTE if you like this chapter and COMMENTS please, haha.

thank u swakistas, lalo na sa aking mga minamahal na active readers na laging nagvovote at nagcocomment! mwah! :3

mahaba-haba author's note eh no? hahaha..

x.o.x.o.

-- luna <3

Sealed With A KissDonde viven las historias. Descúbrelo ahora