Chapter 43: Let Go

1.8K 22 0
                                    

Enjoy reading guys.. :))

@@@@@@@@@@

Chapter 43

++MIO++

Kakauwi lang namin ni Zaydie mula sa pamimili ng regalo..

Binili niya si Lee ng dalwang casual polo, isang blue at isang red. Ako naman binili ko si Wyn ng bagong headphones..

Mahilig kasi siyang makinig sa I-pod niya kaya yun ang niregalo ko sa kanya. Ang astig pati nung itsura nung headphones. Bagay na bagay sa personality niya..

Pagdating ko sa kwarto ko ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Tiningnan ko ang cellphone ko..

No missed calls and no texts from Kit. Nagalit ba siya sa sinabi ko?

Aish! (>_____<)

Nagpagulong-gulong ako sa kama.

*roll*

Itetext ko ba siya?

*roll*

Tatawagan ko ba?

*roll*

Grabe, nakakainis naman ang pakiramdam na 'to.. (>____<)

Ibinaba ko na ang cellphone ko at babalutin ko na lang itong regalo ko kay Wyn..

Sasabayan ko na nga lang bukas pagpasok si Kit. (=_____=)

~~The Next Day~~

Yawn!

Tumingin ako sa orasan..

6:30 pa lang? Ang aga ko atang nagising..

8:00 pa assembly namin sa school para sa Christmas program. Makatulog ulit..

Humiga ako at nagtalukbong na ulit ng kumot. Pabalik na ko sa Dreamland ng marinig ko ang boses ni Mama..

''Vi, anak? Hindi ka pa ba papasok? Papasok na ko. I-lock mo na lang ang bahay ha? Bye!'' sabay tunog ng nagsarang pinto.

Grabe si Mama, 8:30 pa time nyan sa school. Ang aga naman niya papasok e 6:30 pa lang..

(O______O)

Napabalikwas ako ng upo at tumingin ulit sa orasan..

Shemay naman oh! Bakit 6:30 pa din ang oras dun?!

Kinuha ko yung cellphone ko at napatakbo na ako agad sa CR..

8:00 na pala! Lecheflan naman yung orasan na yun oh!! Tumigil na pala! Wala na palang battery! Late na ko sa Program!

Habang naliligo ako ay naririnig kong nagriring ang cellphone ko, hindi ko naman masagot kasi nagmamadali na ko.

25 minutes akong naligo at nag-ayos. Yan na ang pinakamabilis kong record, fyi! Tumakbo na ko pababa dala ang bag ko at ini-lock ang pinto..

''Need a ride, Missa?''

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Napatawa ako sa sarili ko. Bakit ba tuwing nagfifeeling damsel-in-distress ako e siya yung nagiging knight in shining armor ko..

Siguro kung hindi ko nakilala si Kit ay baka nahulog na ang loob ko kay Wynter.

''Paano? Nakadress ako.'' natatawa kong sabi.

''Patagilid kang umupo.'' isunuot niya sakin ang isang helmet at ngumiti..

''Late na ba tayo?'' tanong ko.

''Late na late na..'' ngumiti siya ulit. ''Kapit ng mahigpit, Missa.''

Inistart niya na ang motor at within 8 minutes ay nasa school na kami. Pagkahubad ko ng helmet ay nagring ulit ang cellphone ko..

Si Kit pala yung kanina pang natawag. Sinagot ko naman agad. Hindi na kaya siya galit?

''Hello?''

[San ka na?]

''Kakadating ko lang ng school.''

[Pumunta ka na sa auditorium.]

''Kit.. yung tungkol sa kahapon--''

[Gusto mong malaman kung seryoso ako di ba?]

''Oo.''

[Then, puntahan mo ko dito, Mio.]

Pagkatapos non ay naputol na ang tawag namin ni Kit. Nagulat naman ako ng bigla akong hilahin ni Wyn papunta sa kanya at yakapin ako ng mahigpit.

(O//////O)

''Wyn--''

''Go..'' dahan dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. ''Your prince is waiting for you.''

Madahan niya akong itinulak papasok sa school at naiwan siyang nakatayo sa may gate..

Sobrang tahimik.

Rinig na rinig ko yung tibok ng puso ko..

Hindi ako sanay na walang katao-tao sa labas ng school. Nasan na yung mga babaeng laging nagchichikahan dito? Yung mga lalaking sumisipol pag may sexy na dumadaan?

Nakakatawa pero hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako. Bakit nga ba?

Parang kusa na ngang naglalakad ang mga paa ko, habang lumilipad kung saan ang utak ko..

Tumigil ako sa tapat ng pintuan ng auditorium. Bakit nakasara to? Baka naman pagtinginan ako ng mga tao kapag pumasok ako..

Sabihin pa nila pa-VIP ako. (>____<)

Intayin ko na lang kayang matapos yung program?

Aisssh! Para naman akong tangang nakatayo dito! Bahala na nga!

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto ng aditorium..

(O______O)

@@@@@@@@@@

AN:

Putol? Haha..

Relax lang po, otw na ang Chapter 44.. :p

VOTE, COMMENT & RECOMMEND..

Please try and read my other works:

~~ When She Died ( Completed)

~~ My Genie Love ( On Going )

~~ ASC Series ( Coming Soon )

~~ They Call Me A Lunatic

( Coming Soon )

~~ I'm OBSESSED with my EX

( On Going )

Arigatou! ;)

x.o.x.o.

-- luna <3

Sealed With A KissDär berättelser lever. Upptäck nu