Chapter 18: MV's Birthday

2.4K 33 1
                                    

dedicated to @miszpretender13, third one who followed me.. thanks for following.. (*O*)/

MV's cake -->

******************

Chapter 18

++MIO++

Ilang minuto na lang makakalaya na kami!

Hehehe..

Orasang ito, biglang bumagal!

Nananadya ata talaga ito ah?

Sumubsob ako sa kahoy na desk ng inuupuan ko.

Kaylangang maaga ako makauwi ngayon..

''Okay, class--''

Bigla akong napatunghay..

Pagka kasi nag-ookay class na si mam, malapit ng umawas.

^_______^

''--and don't forget to study for our quiz tomorrow. Class dismissed.''

Yes!

Mabilis akong tumayo at kinuha ang bag pack ko.

''Do you need a ride, Missa?'' tanong sakin ni Wyn ng maupo ito sa arm ng armchair ko.

''Ahh..''

Napatingin ako kay Zaydie dahil inakbayan kasi ito ni Lee. Siniko naman ito ng bestfriend ko..

''Tigilan mo nga ako..'' aburidong sabi pa nito. ''Hayun oh, dun ka sa mga babae mo, please?''

''Ouch hon.. Bakit parang ipinamimigay mo na ko?''

Pinisil nito ang magkabilang pisngi ni Zaydie.

''May iba ka na no? May iba ka na? Si Harris ba? Si Harris ba?'' nanlolokong tanong ni Lee na parang bata.

Napangiti naman ako..

Ako kasi ang NO. 1 supporter ng love team nila: Ang ZayLee..

Feeling ko malaki ang chance na magkatuluyan ang dalawang 'to.

Ang cute kaya nila! Kawaii.. <3

''Hindi na, sabay na kami ni Zays.. May pupuntahan pa kasi kami e. Pero salamat ha?'' baling na niya kay Wyn.

Ngumiti naman ito. ''No problem.''

''Bespren, tayo na..'' baling ko kay Zaydie.

''Bitiwan mo na ko!'' sigaw nito kay Lee. ''Aalis na nga kami. Bingi lang?''

Nakakatuwa naman na pagkatapos ng ilang buwan ng party ni Tori ay magkakaclose pa rin kami.

Yup, 3 months had passed since that day at the beach.

Ang totoo, matagal ko ng hindi nakakausap si Kit. And I pride myself for being able to do that.

^______^

Mahirap kaya 'yun! Considering na iisa lang kami ng pinapasukan at magkapitbahay pa kami..

Excuses dito, excuses doon.

Iwas dito, tago doon.

Effort 'yon ha?

''Iniiwasan mo pa rin ba si Kit?'' tanong ni Zaydie ng nasa department store na kami.

''Ha?'' pa-inosente kong tanong.

''Hay naku, Mio. Sino bang pinaglololoko mo diyan..'' pumameywang ito.

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now