Chapter 2: Stalker Meeting

4.5K 56 3
                                    

Luna's Note:

I dedicate this chapter to May, na nagbigay sakin ng pangalan na Skitter.. Thank you very much. 😊

Enjoy reading ❤

(picture: Im Yoona as Mio Okita)







**********
Chapter 2
**********

Pagod na pagod si Mio after ng kanilang volleyball practice pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang sinabi ni Zaydie.

Paano nga ba siya mapapalapit kay Kit?

Eh kahit nga yung ibang mga upperclassmen nila hindi pa nakakausap si Kit, siya pa kayang third year student pa lang?

I'm so depressed..

Bakit kasi na-late pa siya ng one year ipanganak?

Eh di kung sakali baka naging kaklase pa niya si Kit?

*Sigh*

Tama ba talaga si Zaydie?

Nakatayo na siya sa waiting shed ng sakayan niya pauwi at nagaantay na ng dyip pero iyon pa rin ang naiisip niya.

Sa sobrang pagiisip niya hindi na niya napansin na tumigil na pala ang dyip na dapag niyang sakyan pero hindi niya ito napansin. 

Eengot engot na naman siya.

Buti na lang at may tumawag sa kanya.

''Miss, hindi ka ba sasakay?'' sabi ng isang lalaki na kasama niyang nag-iintay.

Snap out of it Mio!

''Ah, oo, sasakay ako..'' lumakad na siya paakyat ng dyip. ''Salam--''

Natigilan siya ng makita kung sino ang tumawag sa kanya.

IT'S SKITTER!

And who says MIRACLES don't happen?










***

Pasimpleng lumingon si Kit at nakitang sumusunod pa din ito.

What? Is she a stalker?

Dapat hinayaan na lang niyang maiwan ang babaeng ito ng dyip. Hindi man nga lang ito magtago, gaya ng ibang nagstastalk sa kanya.

Harap-harapan talaga siyang sinusundan ng isang ito.

They never learn.

Ng malapit na siya sa tapat ng bahay nila ay tumigil na siya sa paglalakad.. kinig niyang tumigil din ito.

Tumalikod siya at tumingin sa babae. She wore his school's PE uniform. No doubt about it.

Parang kahapon lang ng may sinita siyang schoolmate sa pagsunod sa kanya at pagkuha ng mga pictures niya ng walang paalam. Tas ngayon eto na naman.

''You..'' tawag niya dito. Nagmamaang-maangan pa ang babaeng tumingin sa paligid bago tumuro sa sarili.

''Ako?'' nagtatakang tanong pa ng babae sa kanya.

Meron pa bang iba?

Sino pa e silang dalwa lang naman ang nandoon?

''Quit stalking me..'' sabi na lang niya dito. He should be direct. Maganda yung walang paligoy ligoy pa.

He could just tolerate these girls at school but this is a little over the line.

Maybe Tori was right. Maybe he should be more strict about this.

Tumalikod na siya ng umimik bigla ang babae.

''H-hindi kita sinusundan 'no?'' pagdedeny nito. Nakakunot-noong pumaling siya dito.

''Then what are you doing in front of my house?'' tanong niya dito. Tinitigan niya ang chinitang mga mata ng kaharap. He was positive hindi pa niya ito nakikita.

If she was not a stalker, she could be kind of cute.

''Dito kaya ang bahay ko..'' turo ng babae sa bahay sa tabi ng bahay nila. Pinigilan naman niyang huwag mapatawa.

Seriously?

''Walang anak na babae si Mr. and Mrs. Okita.'' kampanteng sagot niya dito. ''Just a young boy who's in elementary.''

Ano namang palagay sa kanya nito?

Na hindi niya kilala ang mga kapit bahay niya?

I guess hindi siya masyadong nakikipag-usap sa mga ito at hindi siya mahilig tumambay sa labas.

But still..

''Pero--'' kokontra pa sana ang babae pero pinutol na niya nito.

''Nevermind. Just don't follow me again.'' sabi na lang niya at pumasok na siya sa loob ng bahay at iniwan ito.








***

Ano daw?

Halos malaglag ang panga ni Mio pag alis ng kaharap.

Hindi nga talaga siya kilala ni Kit.

Tama si Zaydie. This is impossible.

Swerte pa nga ng Mama, Papa at ng makulit niyang kapatid, kilala sila ni Kit!

Bakit siya pang schoolmate nito mula elementary hanggang highschool ang hindi nito kilala?

Ganun ba siya kawalang dating?

Ganun ba siya ka-forgettable?

At ano DAW? Stalker DAW siya ko?

Kung hindi lang crush niya itong si Kit, eh mayayabangan na siya dito. Pasalamat siya.

Anong bang magagawa ko e dito sa tabi ng bahay nila ang bahay namin?

So much for a GOOD first impression!

Sealed With A KissOnde histórias criam vida. Descubra agora