Chapter 1: The Countdown Begins

8K 75 4
                                    

Luna's Note:

First and foremost, gusto ko lang idedicate ito kay Dyosa glimmer..
Hi Ate!
Unang story na binasa ko kasi sa wattpad ay SM. Kaya naman..
Enjoy reading!

😹



**********
Chapter 1
**********


''Ayan na siya! Ayan na siya!''

''OH MY GOD!!!''

''Ang pogi talaga ni Skitter!''

''Don't call him by his real name! Alam mo namang mas gusto niyang tinatawag na Kit.''

''I love you KIT!''

Iiling-iling na pinagmamasdan ni Mio at ng kanyang bestfriend na si Zaydie ang mga ''screaming-loyal fans'' na sumasalubong kay Skitter Jansen

Sino ba si Skitter?

Siya lang naman ang ''hearthrob'' ng eskwelahang pinapasukan nila, ang Laguna National Science High School. Normal naman na ang eksenang ito tuwing umaga, pero hindi pa rin maiwasan ni Mio ang mainis.

''Tingnan mo itong mga babaeng ito. Parang mga walang pinagaralan! Nakakita lang ng guwapo, akala mo mga mamamatay na..'' bulong sa kanya ni Zaydie habang umiiling iling pa din. Hinila siya nito sa braso para ilayo sa pulutong ng mga babaeng nakabarikada sa school gate.

''Oo nga..'' pagsang-ayon niya dito. Inantay niyang makapasok sa loob ng building si Skitter bago pumaling sa direksiyon ng mga babae at nagpamewang. ''Hoy! Tumigil kayo! Akin si Kit!'' sigaw niya sa mga ito.

Tiningnan muna siya ng masama ng mga babae, bago nagsi-alisan ang mga ito.

Napasigaw naman siya ng bigla siyang binatukan ni Zaydie.

''Aray!'' sigaw niya. ''Masakit 'yon ha!'' sabi niya habang hinahaplos ang ulo niya.

''Isa ka pa e! Ikaw naman pala dapat ang pinababalik ko sa Grade 1!'' disappointed na sabi sa kanya ni Zaydie, na parang dragon na umuusok ang ilong.

''Zayz, alam mo namang iba yung amin ni Kit kesa dun sa mga babaeng iyon..'' paliwanag niya sa kaibigan habang naglalakad na sila papunta sa classroom.

''Paano naman naging iba 'yun, aber?'' tanong naman sa kanya nito.

''Kit knows me..'' pagmamayabang niya. ''We've been neighbors since the world began..'' pag-eexaggerate niya. ''And..'' umiisip pa siya ng dahilan pero wala ng sumagi sa isip niya kaya napaupo na lang siya sa armchair.

''And?'' loko sa kanya ni Zaydie na hindi na lang niya pinansin.

Umupo ito sa lamesa ng armchair ng inuupuan niya. Ng umiwas siya ng tingin dito ay sarcastic na tumawa ang bestfriend niyang hobby na ata ang pabilikin siya sa realidad.

''He knows you?'' natatawang tanong nito habang binubuksan niya kanyang bag at nagkukunwaring walang naririnig. ''He doesn't even know your name, Mio.''

Nagpintig naman ang tenga niya. ''Hindi pa nga niya ko tinatawag by my name, or tinatawag ng kahit ano ever, pero hindi ibig sabihin 'non e hindi niya ko kilala.'' depensa agad niya dito.

Hindi niya na kayang magtengang kawali sa pagkwestiyon nito sa relasyon niya kay Kit.

''Hindi ka pa nga niya kinakausap, Mio. Kahit kailan. And nine years na kayong magkapitbahay 'non ha?''

''And more years to come..'' dagdag niya ng nakangiti.

''You just don't get it do you?'' napabuntong hininga na lang si Zaydie. ''Can I give you an advice, as another girl? And your one and only bestfriend since kindergarten?''

''What?'' tanong niya habang nilalabas ang mga gamit niya sa unang subject. Alam niya na ang mga susunod na sasabihin ng kaibigan.

''Stop fantasizing over him and start liking someone else. Save yourself from the heartache. He's the most popular guy in school, Mio. Tanggapin mo na na hindi kayo meant to be.'' sabi nito.

Bakit ba laging ang sama ng outlook ni Zay sa buhay pag-ibig niya. Sinara niya ng malakas ang kakabukas lamang na libro.

''Can you give me another advice, as MY BESTFRIEND?'' tanong niya dito na may emphasis ang last two words.

Huminga ng malalim si Zaydie na para bang nadidismaya. Tinaasan niya ito ng isang kilay.

''Fine. Kung gusto mo talaga siya, you better do something quick. Fourth year na siya, and you only have ten more months to spend with him before he graduates.''

Ten.. months?

TEN MONTHS?!

Ganon na lang niya katagal makikita si Kit sa school?

NOOOO!!!

Hindi pwede 'to. Bakit hindi niya agad naisip yun?!

Ngumiti si Zaydie. ''Let the countdown begin..'' mahinang bulong pa nito sa kanya ng pumasok na ang teacher nila sa classroom.

Napalunok siya. Zaydie's right.

Baka dapat tanggapin na lang niya na--

Hindi Mio!

Kumalma ka..

Marami pa namang pwedeng mangyari in ten months, di ba?

Di ba?

DI BA?!

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now