Chapter 53.1: Back Together 1

1.7K 21 0
                                    

@@@@@@@@@@

Chapter 53.1

++LEE++

*The number you have dialed is out of the coverage area. Please try your call later..*

Aish, bakit ba ayaw niyang sagutin? Tsk. Tsk.

Isa pa..

*The number you have dialed is out of the coverage area. Please try your call later..*

*The number you have dialed is out of the coverage area. Please try your call later..*

''Lee..'' napalingon ako kay Candice na papalapit na sa lamesa namin. Kakagaling lang nito sa comfort room ng coffeeshop.

''Who are you trying to call?'' tanong niya ng maupo na siya sa tabi ko.

''Si Zaydie.'' sagot ko.

Bumuntong hininga ako. ''Hindi niya sinasagot..'' dagdag ko pa.

Lumungkot ang mukha ni Candice. ''Do you think she's mad that we're back together--''

''That's why I need to talk to her.'' I cut her off.

''I hope everything would be fine.'' sabi ni Candice bago uminom sa inorder niyang capuccino. ''I really want to be friends with her--'' natigilan ito na parang may muntik na siyang hindi dapat masabi. ''--especially because she's now someone important to you.''

Bumuntong hininga ulit ako.

''Para kasing ang tindi ng galit niya sakin. And I don't know why.''

''Di ba sabi mo wala siyang gusto sayo?'' tanong niya ulit sakin for the nth time. Ang kulit talaga. Naninigurado na naman.

''Wala nga, pinagtatabuyan niya nga ako eh, di ba? Kahit na anong gawin ko.'' sagot ko.

Ngumiti si Candice. ''Don't worry, sweetie. Now that I'm here, I'll make sure that everything will turn out well.''

Sana nga. Magdilang-anghel sana si Candice..

@@@@@@@@@@

++ZAYDIE++

Nakaupo ako sa tapat ng TV at nanonood ng Be Careful With My Heart. Minsan na nga lang ako nakakapanood nito. Buti na lang Christmas vacation pa at wala pang pasok. Nasusubaybayan ko tuloy ang mga telenovelas, hehe.

''Oi, maknae! Tumulong ka dito sa pag-aayos ng mga ginamit nung pasko.'' sigaw ni Kuya Zeik sakin mula sa kusina.

[AN: Nasa ''A Love Story With My Arch Nemesis'' si Papa Zeik. Read niyo, major role siya don. Hehe.]

''Eeeee, ako na ngang nagluto nung pasko e. At siyempre, ako din ang magluluto sa bagong taon kaya kayo na ang magayos diyan!'' pagmamaktol ko.

''Pasalamat ka, bunso. Spoiled ka samin.'' sabi naman ng sikat na si Kuya Zephyr. Sikat kasi model 'to. Maraming billboards sa Edsa, haha.

''Opo, opo. Kayo ng mababait na kuya.'' walang gana kong sagot. ''Basta wag na lang kayong maingay kasi hindi ko makinig si Ser Chief!'' saway ko.

Ay oh!

Ang bad kasi nung bagong nakuhang yaya ni Sir Chief.

Pagalitan ba naman si Abby dahil 1 star lang nakuha niya. At kung makatingin.. Tsk. Wagas.

Buti na lang di pa talaga nakakaalis si Mia. Sayang, false alarm lang pala ang padespidida, hahaha..

''Maknae!''

Ay, shemay! Kitang busy oh..

''Maknae!''

''Waaaa, ano ba?!'' bulyaw ko. Tutok na tutok ako eh!

''Andito si Ser Chief--''

Napabalikwas ako ng tayo. ''WEH?!''

Tumawa si Kuya Zel. ''Ser chief ng buhay mo, haha.'' kumunot ang noo ko.

Nung pinagsasasabi nito?

''Si Lee, nasa baba.'' sagot nito sa pagkunot ng noo ko.

Ilang segundo akong natameme.

Shemay, hindi pa ko prepared makausap siya..

''S-sabihin mo kuya, may sakit, umalis, nag-out of town, nagshoshopping, nagbakasyon, naglayas o kaya namatay na.'' nagpapanic kong utos kay kuya.

''Sinong namatay?''

(O____O)

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa pinto sa tabi ni kuya si Lee.

''A-ahh, ehh.. Y-ung langgam na.. na kumagat sa.. sa.. m-mata ni Kuya Zeff, ano.. p-patay na.'' turo ko kay Kuya Zeff na natutulog sa sofa.

''Wahahahaha..'' napatawa naman si Kuya Zel sa napakawalang kwenta kong palusot. ''Ayos ahh, hahaha.''

Tiningnan ko naman siya ng masama at natahimik ito.

''A-ahh, g-ganun ba?'' parang naguguluhan na hindi maintindihan si Lee sa mga pinagsasabi ko..

''Hi, Zaydie!''

Ang boses na yun..

May kumirot na naman sa puso ko. Talagang ang lakas ng loob niyang magsama ng ibang babae niya dito.

Sabagay..

Hindi naman basta basta lang na babae si Candice para kay Lee. E di ba siya nga yung first love niya?

At mukhang current girlfriend at the moment.

''Hi.'' bumati na din ako. Hindi naman talaga ako suplada eh. Tsaka wala naman siyang pinakikitang masama sakin.

''Yayayain ka sana namin lumabas ni Candice.'' sabi naman ni Lee na parang takot na tanggihan ko siya sa harap ng GIRLFRIEND niya.

Anak ng kalabaw, tupa at kabayo oh! (>___<)

Kailangan pa ba talaga nila akong gawin chaperone ng date nila?

Nananahimik na ko kay Ser Chief at Maya eh!

''A-ahh, e-ehh..''

Peste. Walang maidahilan ang brains ko.. nakain na ata ng zombies.

''Tamang-tama. Naiinip na nga yang si maknae dito sa bahay eh.'' biglang dumating si Kuya Zero. ''Di ba, bunso?''

Tumingin siya sakin na parang pag hindi ako sumama ay ilalabas niya lahat ng mga nakakahiyang sikreto ko simula kinder, kaya mabilis pa sa alas-kwatro akong napatango..

Mukhang tuwang tuwa naman si Lee at ang girlfriend niyang si Candice.

Oo, kailangan talagang lagi kong ipinapakilalang girlfriend ni Lee si Candice. Para naman matauhan ang abnormal kong puso..

Kainis si Kuya Zero oh! (>___<)

''Saglit.'' pigil na pigil ang pagkainis ko. ''Magbibihis lang ako HA?''

@@@@@@@@@@

bitinin muna ang dapat bitinin, haha. may part two po ito. Chapter 53.2.

para mapabilis ang updates gaya ngayon at kahapon. gusto ko ulit magbasa ng comments mula sa iba pang readers ng swak.. :D

hello sa mga silent readers! sana pag nakapagonline kayo mag-vote at mag-follow din kayo kung nagugustuhan niyo ang mga pinaggagagagwa ko, haha. I'll appreciate it sooooo much!

x.o.x.o.

-- luna <3

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now