Chapter 7: Change of Feelings

3.4K 38 0
                                    

Luna's Note:

Skitter Jansen's picture.
Enjoy reading.. :))


**********
Chapter 7
**********

Bakit ba ito nangyayari sa kanya?

Pinaglalaruan ba siya ng tadhana o talagang malas lang siya?

MALAS.

Ayaw na sana muna niyang makita si Kit.

Siyempre, galit pa din siya dito.. at nahihiya.

Bakit ba naman kasi nalaman ng mga Mama nila ang nangyari?

Wala nga siyang balak sabihin!

Gusto niya na lang kasi magmove-on.. Ouch! Kala mo naman naging sila ni Kit e ano?

Pero, seryoso..

Gusto na lang niya sana kalimutan ang lahat kaso.. hindi na 'yon pwede ngayon.

Pakiramdam niya nga eh, sinusumpa siya ni Kit kagabi.

Kung may alam nga siguro yung mangkukulam ay baka napakulam na siya nito.

Akala ata niti, siya ang nagsumbong..

Grabe lang talaga!

*Deep sigh*

Sumilip siya sa labas..

Nandon na si Kit sa tapat ng bahay nila.

Agang-aga mukhang aburido na naman ito sa kanya, hindi pa nga siya nito nakikita sa lagay na 'yon.

Dali-dali na siyang lumabas, kinakabahan..

Sinalubong siya ng galit na tingin ni Kit.

Wow, bakit parang bigla na lang nag-iba ang tingin niya dito?

Kung nangyari ito dati ay baka namatay na siya sa kilig, pero ngayon, baka mamatay siya sa sobrang takot..l

Late na ba siya?

6:30 pa lang naman ng maga ah?

Ni hindi man lang siya nito inintay na makarating sa pwestong tinatayuan nito kanina. Nagsimula na agad itong maglakad palayo.

Yabang!

Akala naman gusto niya din ito..

Hindi naman. PROMISE!

***

''Hey..'' tumabi sa kanya si Tori. Seatmate niya kasi ito sa room. ''Anong nangyari kahapon?'' tanong nito.

''Nightmare..'' sagot lang niya. The exact same situation kung saan siya nandoon ngayon.

Pakiramdam nga niya nabingi siya sa kasasalita ng Mama niya, kahit hanggang nasa bahay na sila.

Pati ang Papa niya nakisali din.

Hindi na lang siya nagreact.

Baka kasi madagdagan pa ang buwan ng pagkagrounded niya.

Ano ba naman kasi ang problema ng babaeng iyon?!

Tsk. Tama na nga.

Wala din naman siyang magagawa kung magpakabarino

''Nagyayaya sina Lee lumabas mamaya, sama tayo?'' tanong ni Tori ng nakangiti. Halata niyang pinipilit pagaanin nito ang loob niya.

Buti na lang lagi niyang nakikita si Tori. Pag nakikita kasi niya ito ay gumagaan ang pakiramdam niya.

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now