Chapter 33: School Festival 2

2K 27 0
                                    

np: iGotABoy by SNSD/GirlsGeneration -- my favorite KPOP girl group.. ^________^

LONG LIVE SNSD!!!

Fighting!

I Love Yoona&Seohyun.

enjoy reading.. :))

********************

Chapter 33

++KIT++

''Kit, nasira yung saksakan sa classroom namin!'' reklamo ni Jim, president ng 2-E.

''Kit, kaylangan ng micstand para sa banda na magpeperform sa gym mamayang 3pm. Yung speaker din nasaan?'' tanong ng isang teacher.

''Sir, kakaalis lang po dito ni Kim at Jm. Dala na po nila yung micstand at yun pong mga speakers. Kinausap ko na rin po sila na sila na ang magassemble at bahala sa sound system.'' sagot ko sa teacher. Tumango naman ito at bumalik na sa gym.

''Ken, ipahiram mo yung extension natin, nandon sa loob ng cabinet, sa taas. Pumirma ka dito, Jim. Ang alam ko may isa pang libreng saksaksan ng kuryente ang 2-D. Makisaksak na muna kayo 'don, sabihin mo, sabi ko.'' sagot ko. ''Vina, patawagan na rin yung electrician.''

''Okay, President.'' sagot ni Vina bago ito mabilis na sumunod sa utos ko.

''Salamat Kit!'' pahabol na sabi ni Jim bago umalis dala-dala ang extension.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa tingin ko sa criteria for judging namin para sa Best Booth..

Sumasakit na ang ulo ko sa pagtingin sa monitor ng laptop ng may pumasok na naman sa Student Council Room.

''Kit, magfafile lang ako ng report. May nawawalan ng cellphone.. Asan yung listahan natin?'' tanong ni Rea.

Itinuro ko ang listahan ng hindi inaangat ang tingin ko sa monitor.

''Thanks.'' Nagsulat naman ito agad sa listahan namin ng lost and found..

''Kit!'' tawag ng bagong pumasok. ''Hinahanap ka ng Principal, yung pagkain daw para sa mga judges, wala pa..''

Isinarado ko na ang laptop at kinuha ang bagong print na criteria.

Iniabot ko ito sa bagong dating..

''Kanina pa nakaalis sina Pat at Josie para bumili, pabalik na ang mga 'yon. Maaga pa naman bago mag meryenda, 2:00 pm pa lang, 3:00 pm pa ang schedule ng break. Iyan na yung bagong hinihinging criteria ng Principal. Pakibigay na lang..'' pakisuyo ko dito.

''Yes, boss.'' sagot nito at umalis na ito..

Huminga naman ako ng malalim.

''I don't know how you remain so calm, Kit..'' parang hangang-hangang sabi ni Ken. ''Kung ako ang nasa pwesto mo, baliw na ko sa sobrang pagkarindi.''

Ngumiti lang ako..

Ang totoo, naririndi na din talaga ako, simula pa kaninang maga..

Pero kaylangan kong maging kalmado para hindi kami magkagulo..

''Kit!'' biglang narinig kong tawag ni Tori mula sa pintuan. ''Punta tayo kina Wyn. Kain muna tayo..'' yaya nito.

''Hindi ko pwedeng--''

''Ano ka ba, Kit?'' tatawa-tawang putol sakin ni Ken. ''Kami na munang bahala dito. Sumama ka na muna kay Tori..''

Tumingin ako sa mga officers na nasa loob ng SC room. Tumango ang mga ito at ngumiti..

Ngumiti na din ako. ''Sige, pero tawagan nyo ko kung may problema ha?''

********************

++WYN++

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now