Chapter 59: If this was a movie

1.6K 26 0
                                    

mdyo mdrama ulit chap na 'to, haha. bear with me pipz..

haha, sunod sunod ang updates ko this week. di ko kc alam kung mkkpgupdate ako next week, simula na ng mga practice eh, haha.

'neways, enjoy! mwaaaah! :3

@@@@@

Chapter 59

++MIO++

Napatigil ako sa pagtakbo ng masira ang takong ng suot kong heels..

''M-malas! M-malas! M-malas!'' naiinis kung sabi sa pagitan ng paghikbi.

Napaupo ako sa tabi ng fountain at hindi ko na naman maiwasang maiyak.

''N-nakakainis ka na, M-mio! *sniff* Tumigil k-ka na n-nga sa k-kadramahan mo! *sniff* B-bakit ka ba iyak n-ng iyak?!''

Para na siguro akong baliw dito. Naiyak ako na parang walang bukas. Bakit ba kasi ang iyakin ko?

''Our last song for the night. Happy new year everyone!''

Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa isang park na pala ako..

Maraming taong nanonood dahil may live band din na nagpeperform.

*sigh*

Ansaya naman ng pagsalubong ko sa Bagong taon..

(NP: If This Was A Movie by Taylor Swift)

*Last night I heard my own heart beating, sounding like footsteps on my stairs. Six months gone and I'm still reachin', even though I know, you're not there..*

Hinubad ko ang suot kong sapatos at inilagay sa tabi ko.

Habang nakatingin ako sa bandang na tumutugtog ay nagsimula na naman tumulo ang luha ko.

*I was playin' back a thousand memories, baby. Thinking 'bout everything we've been through. Maybe I've been going back to much lately, when time stood still, and I had you..*

Nakakainis bakit ba ayaw tumigil ng mga pesteng luha na ito?

*Come back, come back, come back to me, like you would, you would if this was a movie. Standing in the rain outside 'till I came out..*

Bakit kahit nasasaktan ako ng ganito, si Kit pa rin yung gusto kong makasama?

*Come back, come back, come back to me, like you could, you could if you just say you're sorry. I know that we could work it out somehow. But if this was a movie, you'll be here by now..*

Bakit siya pa din yung gusto kong andito ngayon sa tabi ko, kahit na gusto kong mapag-isa?

Naisubsob ko ang mukha ko sa mga kamay ko at mas lalo pang napaiyak.

Nababaliw na ata ako. At naiinis na din ako sa sarili ko..

Nagulat na lang ako ng maramdaman kong may kung anong pumatong sa likod ko.

Napalingon ako kaagad at nakitang nakaupo na si Kit sa tabi ko. Isinuot nito sakin ang coat na suot nito kanina bago hinawakan ang kamay ko.

Sinundan pala niya ko?

Hindi pala niya ko iniwang mag-isa?

Hindi ko alam kung bakit pero nagsimula na naman akong humikbi.

Hinapit niya ko palapit sa kanya at niyapos ako. ''I'm sorry. I'm sorry, hal. But please.. pakinggan mo muna ako.''

Tumango ako. ''P-pasensya na din.. *sniff* k-kasi.. k-kasi.. sobrang iyakin *sniff* ak-ko.''

Ipinatong ni Kit ang mukha niya sa balikat ko at mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sakin..

''Sanay na ko, hal. Alam kong iyakin ka talaga..'' naramdaman kong ngumiti ito.

Sealed With A KissWhere stories live. Discover now